^

PSN Showbiz

Golden buzzer act ni Vice Na Si Kristel, pasok sa grand finals

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isang masayang Linggo ng Pagkabuhay ang sumalubong sa single mom na si Kristel de Catalina at grupong Xtreme Dancers matapos silang makalusot sa semi-final round at hiranging 3rd and 4th official grand finalist ng world class talent reality search na Pilipinas Got Talent.

Standing ovation ang natanggap ni Kristel ma­tapos niyang mapabilib muli ang mga hurado sa kanyang madamdaming spiral dance act na inaalay niya sa kanyang anak.

Komento ni Angel, isa si Kristel sa mga dapat na katakutan at aba­ngan ngayong darating na grand finals.

“Sasabihin ko na, ikaw ang pinakamabigat na makakalaban ng lahat ng contestants nga­yong season. Kailangan nilang maglevel-up para ma­katapat sa iyo,” sabi ni Angel.

Para naman kay Vice, parang tapos na raw ang labanan nang makita niya ang ginawa ng single mom.

 “Nagmukha kang past winner na binisita mo sila ngayon. Ganoon kahusay,” ani ni Vice.

 Biro pa niya, “ Walang duda ang galing mo. Parang kagandahan ko lang, ang linaw-linaw.”

Bukod sa hurado, nakuha pa ni Kristel ang puso ng mga manonood matapos manguna sa botohan at nakakuha ng 78.96%  mula sa total text at online votes.

Maswerte namang nakuha ng Xtreme Dancers ang boto ng tatlong hurado kumpara sa natitirang mga kalaban na Bu-Aywa Folkloric Dance Troupe at kay Jeptah Callintong.

Sa nalalapit na Araw ng Kagitingan, anim na acts ang muling maglalaban-laban sa pagpapatuloy ng semis. Sino kaya kina Joven Olvido, Mad Queens, Rico the Magician, Pedro Lachica, Antonio Bathan Jr, at Bardilleranz ang makakapasok sa grand finals?

Huwag palalampasin ang pagpapatuloy ng live semi-finals ng Pilipinas Got Talent ngayong Sabado (Abril 7) at Linggo (Abril 8), 7:30 PM sa ABS-CBN.

PILIPINAS GOT TALENT

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
no session for state
no session for code
no session for id_token
no session for user