Bianca

Bianca hinihintay mangumpisal sa muntikang pagkamatay!
TAKE IT TAKE IT - Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) - April 3, 2018 - 12:00am

Ngayon pa lamang daw babalik sa Metro Manila ang ex-beauty queen-turned-actress na si Bianca Manalo.

Ang unang balita, luluwas ng Metro Manila si Bianca mula sa Pandan, Antique noong Easter Sunday pero obvious na nagkaroon ng pagbabago sa mga plano.

Wanted si Bianca ng mga reporter na gustong marinig ang side niya tungkol sa traumatic experience nila ng kanyang mga kasama nang lumubog ang speedboat na kanilang sinasakyan habang papunta sila sa isang isla ng Antique noong Huwebes Santo.

Hindi pa kasi nagsasalita si Bianca at ang aktres na si Ehra Madrigal na kasama rin sa mga pasahero ng speedboat buhat nang mangyari ang insidente.

Ang boyfriend ni Bianca na si Pandan, Antique Mayor Jonathan Tan lang ang pumayag na magpainterbyu sa mga miyembro ng media.

Detalyado naman ang kuwento ni Mayor Tan pero gustong malaman ng madlang-bayan ang mga karanasan ng kanyang mga kasama na naiwan na nakakapit sa dahan-dahan na lumulubog  na speedboat habang humihingi siya ng saklolo.

Halos tatlong oras na nakababad sa tubig si Bianca at ang mga kasamahan nito at napakatagal ng tatlong oras para sa mga tao na nasa gitna ng panganib.

Tama ang sinabi ni Mayor Tan na parang eksena sa pelikula ang nangyari dahil walang-wala sa isip nila na masasangkot sila sa aksidente habang papunta sa isang isla.

Sancho gustong gayahin ang kasal ni AiAi

Gusto ni Sancho delas Alas na magkahiwalay ang wedding anniversary nila ng kanyang nanay na si AiAi delas Alas kaya magpapakasal sila ng kanyang girlfriend na si Shanna Retuya sa December 10, 2018.

Ninang ako sa kasal nina AiAi at Gerald Sibayan na ginanap noong December 12, 2017 sa Christ The King Greenmeadows Church.

Confirmed na magpapakasal din sina Sancho at Shanna sa simbahan na pinagdausan ng pag-iisang dibdib nina AiAi at Gerald.

Hindi ako magugulat kung isa si Edu Manzano sa mga kukunin na ninong sa kasal nina Sancho at Shanna. Si Edu ang ninong sa binyag ni Sancho at matagal na silang magkaibigan ni AiAi.

Hindi rin ako magtataka kung magiging abay sa kasal nina Sancho at Shanna ang mga co-star ni Sancho sa Ang Probinsyano. Naging kaibigan na ni Sancho ang mga aktor na kasama niya sa primetime teleserye ni Coco Martin sa ABS-CBN.

Tagalog horror movie na Cry No Fear kinatatakutan na agad ang trailer

Trailer pa lang ng Cry No Fear, natakot na ang mga nanood ng Never Not Love You.

Hindi Hollywood movie ang Cry No Fear dahil Tagalog movie ito na pinagbibidahan nina Ella Cruz at Donnalyn Bartolome.

Sa April 18 ang playdate ng Cry No Fear pero napanood na ito ng mga bossing ng Viva Films na gandang-ganda sa suspense-thriller movie ng direktor   na si Richard Somes.

Ang Cry No Fear ang klase ng Tagalog suspense thriller movie na magugustuhan ng ibang mga lahi at puwedeng magkaroon ng Hollywood version tulad ng The Echo ni Yam Laranas.

Ang The Echo ang American version ng Sigaw, ang pelikula na pinagbidahan nina Richard Gu­tierrez at Angel Locsin. Official entry ang Sigaw sa 2004 Metro Manila Film Festival.

Starring sa Cry No Fear si Christopher Roxas, ang asawa ni Gladys Reyes. Si Christopher ang unang naringgan ng kuwento na sobrang ganda ng Cry No Fear kaya proud siya na nakatrabaho niya sa pelikula si Somes na magaling na story teller at direktor.

Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with