^

PSN Showbiz

Gretchen sa bulaklakan naman nakitang kasama si Atong Ang

Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Gretchen sa bulaklakan naman nakitang kasama si Atong Ang

Atong Ang at Gretchen

MANILA, Philippines — Spotted sa Dangwa Flower Market sina Gretchen Barretto at businessman Atong Ang the other night.

Nakita silang palakad-lakad sa nasabing lugar na bilihan ng iba’t ibang klaseng bulaklak, local and imported. Kaya obviously, namili sila ng flowers.

Binibigyan na ng malisya ang closeness ng dalawa dahil maraming sightings ang sweetness nila. Meron sa airport, restaurant, party, dinner for special occasions, at iba pa.

Pero dedma ang actress sa mga nagmamalisya.

Kahapon sa kanyang Instagram account ay sunud-sunod ang post Ms. Gretchen sa kanilang bahay ni Mr. Toy Boy Cojuangco at sweet na sweet sa kanyang partner na negosyante rin.

Never Not… ng Jadine hindi bastos kahit pang-mature ang ginawa!

Uy, sa kabila ng maraming intrigang nagsulputan habang sinu-shooting ang pelikulang Never Not Love You, maganda rin ang kinalabasan ng pelikula nina James Reid and Nadine Lustre na palabas na sa mga sinehan sa Sabado de Gloria, March 31.

True na hindi ito the usual JaDine kilig movie tulad sa mga nauna nilang pelikula pero nakeri nila ang kani-kanilang role bilang millennial couple.

Pero refreshing at hindi mo aasahang magagawa nila ang kuwento ng isang young couple na sobrang in love pero may kailangang pagdaanan sa kani-kanilang career.

Nagpaka-mature sila  pero walang bastos at maayos nilang naitawid.

Natural at parang binigyan sila ng free hand ni Direk Antoinette Jadaone sa kani-kanilang role bilang sina Joanne and Gio.

Watch n’yo na lang on Saturday. This Time pa ang last movie ng JaDine kaya naman si­guradong sabik ang fans nila.

Graded A ng Cinema Evaluation Board (CEB) ang Never Not Love You for Viva Films at Rated PG ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB).

K-Pop Stars madalas ma-cardiac arrest

Grabe, may namatay na namang K-pop boy band member ng 100% - si Seo Minwoo. Ang sabi, cardiac arrest ang dahilan ng pagpanaw ng 33 years old Korean pop singer.

Last December din nang matagpuang unconscious ang K-pop star din na si Kim Jong-hyun ng grupong SHINee.

Uso kaya sa Korean K-pop ang naka-cardiac arrest? Eh ang babata nila. ‘Yun kaya ang tunay na rason?

MTRCB tuloy ang panghuhuli ng mga pirata sa bus

Tuloy ngayong araw ang pag-iikot ni MTRCB Chair Rachel Arenas sa mga bus stations para siguraduhing walang makakalusot na pirated at malalaswang palabas sa mga bus na bibiyahe sa probinsiya.

Magsisimula siya today ng 8:00 a.m. sa ilan pang bus stations sa Cubao at Manila area.

Kahapon ay may ilan na silang nahuli na nakatakdang pagmultahin ng MTRCB.

Sharon inilantad ang bikini photo ng mga anak

Sexy-sexy-han na ang girls ni Sharon Cuneta na sina Simone and Yellie.

Sa kanyang Instagram account ay ipinakita ni Ate Shawie ang dalawang nila na anak ni Sen. Kiko Pangilinan na naka-bikini.

SIMONE!!! Maryosep. Cannot accept. Waaaaaaahhhh!!!!!! Where’s your salbabida with the coconut umbrella? Why are you so dalaga na?!!!!!!!!!!!,” sabi niya sa anak na naka-one piece bikini.

Ang mas bunso naman niya ay ganundin, “O. M. G. Just kill me now. Nooooooooooo!!!!!! Yellie too?!!!!!!! Waaaaaaaaahhhh!!! Please please please don’t grow up too fast baby ko...Tomorrow you will wear pigtails and I’m cutting your hair for bangs!!!”

Kasalukuyang nasa Bangkok ang mag-anak para sa anniversary nila ni Sen. Kiko kung saan sila nakakapag-night market at nakakakain sa ordinary restaurant.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with