^

PSN Showbiz

Erich movie producer na rin!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Erich movie producer na rin!

Erich

Bukod sa pagiging artista ay pinasok na rin ni Erich Gonzales ang pagpo-produce ng pelikula. Magbibida ang aktres sa We Will Not Die Tonight na ginawa ng kanyang sariling production team. “Yes, meron na ako. It’s called E.G. Productions. So ‘yon, we’re working on it na po and hopefully after nito masundan pa ng other projects kahit na hindi ako ang bida sa pelikula,” pahayag ni Erich.

Kakaiba ang role ng dalaga sa pelikula na kauna-unahang proyekto ng E.G. Productions. “I play the role of Kray. She’s a stuntwoman na siguro sa hindi na rin maganda na circumstances na meron siya, napasubo siya sa isang bagay na mahihirapan siya umalis. Doon mag-start ang thrill, ang suspense. Parang ano siya, survival movie siya. It happens on one night lang,” pagbabahagi ng aktres.

Pinaghandaang mabuti ng dalaga ang bagong pelikula kaya nagpaganda ng katawan para dito. “Perfect kasi when I started working out, ito talaga ‘yung mga reasons. Kasi my director said, ‘Hindi ka pwede maging stuntwoman. Ang payat-payat mo lang, wala kang muscle.’ Sabi ko, ‘Okay direk, give me time. Magpapa-build ako ng muscle,’ and ayun tuluy-tuloy na siya,” kwento ni Erich. 

Aminado ang aktres na kinakabahan siya dahil ngayon lamang niya naranasan ang maging isang film producer. “Gusto ko siyang i-share sa mga manonood natin ang ganitong klase ng pelikula na feeling ko masyadong risky for other production outfits. So direk Richard (Somes) and I, we talked about it. Sabi ko, ‘Let’s go, direk. Bahala na, let’s take the risk,” natatawang pagtatapos ni Erich.

Yeng ini-enjoy ang paggawa ng baby

Tatlong taon nang kasal sina Yeng Constantino at Victor Asuncion pero wala pang anak ang mag-asawa.

Ayon sa singer ay nananabik na rin siyang magkaroon ng supling pero hindi pa ito ipinagkakaloob sa kanila. “Nagta-try kami ni Yan (palayaw ni Victor), wala pa,” nakangiting bungad ni Yeng.

Para sa singer ay ini-enjoy pa rin nilang mag-asawa ang bawat sandali na silang dalawa pa lamang. Kaya hindi nakararamdam ng pressure sina Yeng at Yan kapag tinatanong ng ibang tao kung bakit wala pa silang anak. “Kasi lagi namang may sasabihin ‘yung mga tao na, ‘oh kailan? Bakit wala pa kayong baby?’ or whatever. Sabi nila kasi, the more na iniisip mo, mas lalo kang mahihirapang magbuntis. Kaya sa akin ngayon, enjoy lang. If we have time na magbakasyon kami, nagbabakasyon kami. Enjoy the relationship, ‘yon lang,” paliwanag ni Yeng. “I’m praying. I’m really praying pero ‘yon nga, kapag napi-feel ko na nag-a-arise ‘yung pressure sa heart ko, talagang ibinababa ko. Ayaw ko namang mabuo ang baby out of pressure. Siyempre di ba, gusto mong mabuo ang baby out of love,” dagdag pa niya.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with