^

PSN Showbiz

Pia inaasahang gagawin kay Gerald ang ginawa noon kay Marlon

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Pia inaasahang gagawin kay Gerald ang ginawa noon kay Marlon

Gerald, Pia at Marlon

Gimik para sa My Perfect You ang sabi ng Instagram followers ko at ng PSN (Pilipino Star NGAYON) readers tungkol sa pag-unfollow ni Bea Alonzo sa Instagram accounts nina Gerald Anderson at Pia Wurtzbach.

I repeat, hindi ako naniniwala na papayag si Bea na magamit siya sa publi­city ng pelikula nina Gerald at Pia. Lalong wala sa pagkatao at i­mage ni Bea ang pagiging gimi­kera.

Unfair din na pagbintangan na gumigimik sina Gerald at Pia dahil hindi ang mga tipo nila ang gagamitin ang personal na buhay para ma­ging talk of the town ang kanilang pelikula.

Hindi nga nagsalita si Pia nang pumutok noon ang balita na may kambal na anak ang kanyang boyfriend na si Marlon Stockinger.

Pinili ni Pia na manahimik at nagtagumpay siya dahil kusang namatay ang isyu.

Hairstylist ni Bea, instant celebrity sa emote

Kung may ikinaloloka ako, ito ay ang pagpatol ng lahat, pati ng mga legitimate news website sa social media post ng hairstylist ni Bea Alonzo.

Nag-conclude ang lahat na patungkol kina Gerald at Pia ang post ng hairstylist na “Bakit hindi na lang magkatuluyan ang mga TAPAT at SERYOSO at hayaang maglokohan ang mga MALALANDI at BABAERO.”

Nag-one plus one ang mga tsismosa na para kina Gerald at Pia ang intriguing quote ng hairstylist ni Bea na instant celebrity.

Paano kung may lovelife rin ang hairstylist at patama sa dyowa niya ang kanyang pralala?

Kalurky na talaga ang epekto ng social media dahil tinatamad na ang ibang mga tao na mag-research. Naka-depende na lang sa mga social media post ng mga artista at ng mga tao sa kanilang paligid ang inilalabas na balita ng ibang diyaryo, entertainment websites at television news program.

Naging alipin at tinuruan na talaga ng social media na maging tamad ang lahat, hindi lamang ang mga Pilipino kung hindi ang buong mundo.

Vintage tsikot bida sa resto nina Gladys at Christopher

Good reviews ang naririnig ko tungkol sa Estela, ang bagong restaurant business ng mag-asawang Christopher Roxas at Gladys Reyes sa Sta. Lucia East Grand Mall, Cainta, Rizal.

May mga business partner ang mag-asawa sa Estela na hindi mahirap hanapin dahil sa remodeled white Volkswagen car na nasa harap ng restaurant.

Ang Volkswagen car ang dapat na gagamitin nina Gladys at Christopher sa renewal of vows nila sa Tagaytay noong January 2018 pero hindi uma­bot ang pag-aayos sa sasak­yan.

Imbitado ako ng magdyowa sa Estela noong nakaraang Linggo pero hindi ako nagpunta at naintindihan naman nila dahil knows nina Gladys at Christopher na beauty rest ko ang Sunday.

Pero may plano ako na puntahan at tikman ang mga pagkain sa Estela kapag may free time ako. Higit sa lahat, titiyempuhan ko na walang traffic sa Marcos highway.

Highly recommended ng mga regular customer ng Estela ang masarap na salmon at napakalambot na pork chop, ang dalawa sa mga pagkain na dinarayo sa restaurant nina Gladys at Christopher.

Red Juice apat na beses na mas mababa ang calories sa kanin

Maraming salamat sa BFF ko na si Joey Santos dahil sa Red Juice na ipinadala niya sa akin.

Popular na sa Pinoy celebrities ang Red Juice dahil ito ang iniinom nila sa kanilang 10-day cleansing program.

In demand din ang Red Juice sa mga diabetic na kagaya ko. Sixty calories lang ang isang serving ng Red Juice na mas mababa kesa sa 240 calories ng isang tasa ng kanin.

Regular ako na umiinom ng Red Juice, courtesy of Joey, kaya ramdam ko ang magandang epekto sa katawan ng produkto na mabibili sa Mercury Drug stores at Watsons.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with