^

PSN Showbiz

Liz pinagtatawanan sa hinihinging privacy!

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon
Liz pinagtatawanan sa hinihinging privacy!

Liz

Pia no reaction sa pagiging third party kina Gerald at Bea!

Seen: Negative ang mga reaksyon sa pagkuwestyon nina Maggie Wilson at Bea Rose Santiago sa Best in Swimsuit special award kay Miss Universe Philippines 2018 Catriona Gray. Si Maggie ang Bb. Pilipinas World title holder noong 2007 at si Bea Rose ang Miss International 2013.

Scene: Talunan na kandidata si Maggie Wilson sa Miss World 2007 at hindi siya ang Best in Swimsuit nang sumali sa Bb.Pilipinas 2007.

Seen: Pinaitim at pinapangit ang hitsura ni Roxanne Barcelo sa Abay Babes, ang bagong movie project niya sa Viva Films.

Scene: Sa Lunes ang first shooting day ng Abay Babes pero hindi pa kasama sa mga eksena si Meg Imperial dahil aalis siya ngayon, kasama ang kanyang ina. Pupunta sa Taiwan si Meg at ang nanay nito para sa Asian cruise nila.

Seen: Ang balita na baby boy ang ipinagbubuntis ni Cristalle Belo. “No” ang sagot ni Scarlet Snow Belo nang tanungin kung gusto niya na magkaroon ng baby boy brother.

Scene: Grateful si AiAi delas Alas dahil sa bagong endorsement niya. Si AiAi ang celebrity endorser ng Pest Off insecticide.

Seen: Matatalino ang mga Pilipino na pinagtatawanan ang apela ng celebrity stylist na si Liz Uy na igalang ang privacy niya. Kung gusto ni Liz na magkaroon ng privacy, gawin niya na private ang kanyang mga social media account at itigil ang pangangalandakan sa anak niya.

Scene: Si Liz Uy ang una na dapat magbigay ng proteksyon sa kanyang anak na inosente. Maipakikita ni Liz ang tunay na pagmamahal sa bata kung hindi niya hahayaan na husgahan ng publiko ang kanyang walang muwang na anak.

Seen: Walang reaksyon si Pia Wurtzbach tungkol sa rumored break-up nina Gerald Anderson at Bea Alonzo dahil busy siya sa mga bagong endorsement niya. Si Pia ang pinagbibintangan na third party sa Bea-Gerald split-up.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with