^

PSN Showbiz

Aktor na pokpok hindi nakalusot sa young actress na GF!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Marupok, mapusok, pokpok. Ang tatlong salita na ‘yun ang ginawang paglalarawan ng mga impormanteng matagal nang nakakatrabaho ng isang guwapo at popular na male personality.

Sadya raw marupok ang puso ng guwapong aktor. Pakitaan lang daw siya ng paglalambing ng babae ay agad na siyang nahuhulog sa bitag. Marupok siya, hindi niya nakakayang paglabanan ang kaway ng kanyang emosyon, pokpok kung tawagin ang aktor na ito ng kanyang mga kabiruang personalidad.

Kuwento ng isang source, “’Yun ang hina niya, hindi niya nakakayang bantayan ang emotion niya. Konting paglalambing lang ng girl, agad na siyang nakukuha. Ni hindi man lang niya naiisip na merong masasaktan sa ginagawa niya.

“Bago pa ba naman ito? Ilang banyerang luha ba ang iniiyak nu’n ng isang young actress nang dahil sa ganyang nakaugalian niya? Seryoso sa kanya ang girl, pero siya naman, konting lambutsing lang, bumibigay na siya sa iba!

“Napakatagal bago nakapag-move on ang girl! Para na siyang mamamatay nu’n dahil ayaw niyang kumain, hindi siya napagkakatulog, dahil sa sakit na ginawa sa kanya ng boyfriend niya.

“Mabuti na lang at pinayuhan ang girl ng mga friends niya na hindi dapat iniiyakan ang lalaking salawahan, nu’n lang nakapag-isip ang girl na oo nga naman, bakit niya sasayangin ang buhay niya sa isang lalaking hindi tapat sa kanya?” simulang kuwento ng aming impormante.

Kahit sa young actress na ipinampalit niya sa una niyang girlfriend ay ganu’n din ang nangyari. Maraming dahilan ang aktor kapag nawawala siya, meron daw siyang personal appearance, magba-basketball daw ang kanyang tropa sa isang malayong lugar pero hindi naman pala.

“Meron siyang pinagkakaabalahang model nu’n. Nakipagrelasyon siya sa girl samantalang magkarelasyon sila ng young actress na totoong-totoo sa kanya. Nabuking siya ng young actress, kaya nag-break sila.

“Heto na naman siya ngayon, may nakatrabaho lang siyang girl na natural nang malambing sa kahit kanino, nahulog na naman sa patibong ang guy! E, hindi pa man siya nakaka-first base sa girl na may boyfriend na, nabuking na agad siya ng girlfriend niyang female personality.

“Julie Andrews siya (read: nahuli)! Wala na siyang magagawa, ibang klase ang girl na ‘yun, matigas, may paninindigan, kaya ewan na lang kung magkabalikan pa sila!” pagtatapos ng aming source.

Ubos!

Kris sinisikatan na ng araw after two years

Mukhang lumilinaw na ang kulay ng kapaligiran ngayon para kay Kris Aquino. Tama na ang dalawang taon ng pamamahinga sa paggawa ng pelikula at kawalan ng show. Magbubukas na uli ang pintuan at mga bintana ng magagandang oportunidad para sa aktres-TV host.

Wala pang mga detalyeng lumalabas, pero totoong may alok para kay Kris na gumawa ng proyektong kasama ang isang sikat na loveteam ngayon, hindi muna nagsasalita si Kris dahil baka nga naman mausog pa ang plano.

Mahirap na nga namang magsalita, baka kapag nagkaroon ng pagbabago ay siya na naman ang sisihin, sasabihin na naman ng kanyang mga bashers na sa sobrang kadaldalan niya ay nauwi tuloy sa wala ang proyekto.

Walang kahit anong impormasyong nanggagaling sa aktres-TV host, pero bago siya umalis papuntang Amerika para sa kanyang pagpapa-check-up ay meron siyang iniwang grupo dito para makipag-usap sa mga dapat i-meeting, para na rin nga namang siya ang kausap ng mga ito kahit nasa malayo siya.

Panahon na para gumawa ng pelikula si Kris. Panahon na para gumitna uli siya sa aksiyon. Tama na ang pahinga, sobra-sobra na ang tagal ng panahong wala siyang ginagawang proyekto, bukod sa pagiging abala niya sa social media.

Kung hindi man naging maganda ang takbo ng kanyang career sa dalawang taon na nakalipas ay may hangganan din ang lahat. Sabi nga, umulan man nang umulan, darating din ang isang maaraw na umaga.

Sana’y wala nang mangyaring bulilyaso para sa unang gagawin niyang project sa mainstream. Matuloy na sana ang plano, wala na sanang humarang pa, para muling makasama ng kanyang mga tagasuporta si Kris Aquino.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with