JaDine

Santambak ang maletang dala Jadine natakot sa lamig!
Salve V. Asis (Pilipino Star Ngayon) - March 23, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Sangkaterbang maleta pala ang bitbit ng Team Real nina James Reid at Nadine Lustre nang su­magsag sa London kamakailan para kunan ang ilang mahahalagang eksena sa nalalapit nang ipalabas na reunion movie nilang Never Not Love You ng Viva Films.

Ilang araw lang tumagal ang magdyowa sa Europa kasama ang mangilan-ngilan ding production staff at si Direktor Antoinette Jadaone, pero sulit naman daw dahil sa ganda ng resulta ng kanilang biyahe.

Makikita sa romance drama movie, na magbubukas na sa mga sinehan sa Black Saturday, March 31, ang piling-piling eksena mula sa London kung saan supposed to be ay nagtrabaho ang mga karakter ng JaDine na sina Gio at Joanne.

Maginaw daw nu’ng kasagsagan ng shooting sa London, pero mainit naman silang sinalubong at sinundan ng loyal Pinoy fans sa kanilang mga location doon.

 ‘Yun lang, sapat na para sobrang sumaya ang pinakamainit na loveteam ng bansa kahit pagoda sa siksikang schedule.

 Outfit-outfit-an talaga sina James at Nadine habang rumarampa sa Europa gaya ng makikita sa posts at still photos ng NNLY team.

Anyway, hindi lang lamig at kasosyalan ng London ang mapapanood sa Never Not Love You, dahil may ilang eksena rin na kinunan dito sa Maynila at sa isang bayan sa Zambales.

Daring kung daring nga ang JaDine sa kanilang latest project, na bale reunion nila ng On the Wings of Love at Till I Met You director na si Direk Tonet.

Ginagampanan ni James ang papel ni Gio, isang freelance graphic designer, habang si  Nadine naman si Joanne, isang management trainee sa isang ad agency/direct-selling company.

Daraan sa matinding pagsubok ang kanilang carefree at reckless na pagmamahalan nang magsanga ang kanilang mga pangarap sa buhay at papaghiwalayin ng personal choices ng bawat isa.

Puwedeng sabihin na ang Ne­ver Not Love You ay isang total departure sa inosente at easy going na mga karakter at istorya na nagpasikat kina James at Nadine sa kanilang blockbuster projects gaya ng big screen debut nilang Diary ng Panget at mga phenomenal primetime teleserye tulad ng  Till I Met You at On the Wings of Love.

Base sa trending trailer na mapapanood sa YouTube channel at iba pang social media platforms ng Viva, nagawa ni Direk Tonet na hugutin ang ilang raw emotions mula sa box-office pairing na minsan ay parehong tender at intense gawa ng conflicts na kinakaharap ng kani-kanilang character sa ngalan ng pag-ibig.

Direk Dan pinakakalma ang fans

Speaking of JaDine, nakiusap na si Direk Dan Villegas na wala na sanang bad vibes matapos ngang kuyugin si Direk Cathy Garcia Molina dahil sa pagiging “tsismosa.” Sinagot ni Direk Cathy ang isang fan nang sabihin nito na sana sa last project ay ang idolo naman nilang sina James and Nadine ang gawin pelikula. Pero sumagot si Direk at kinontra ang sinabi ng fan.

Nakailang sagutan din sila pero sa huli ay sumuko si Direk Cathy at binura ang kanyang tweet.

May point naman ang fan ng JaDine mahirap namang umaasa sa sabi-sabi lang.

Try muna nga naman niyang makipagtrabaho sa kanila bago maniwala sa tsika.

Besides, siguro kuwentuhang kaibigan lang naman yun pero ikinalat niya sa social media.

At ang pakiusap nga ni Direk Dan : “Guys. Tapos na yung issue na to matagal na. Kalma, lapit na lumabas yung peliks. Sayang energy sa bv.”

Daga nina Marian at Zia nakarating na sa Western Europe

Nakarating na hanggang sa Western Europe ang “AyMayDagaPose” ng mag-inang Marian and Zia Dantes.

Nasa bakasyon ang pamilya Dantes at inuna nilang puntahan ang Netherlands.

Favorite pose nina Marian at Zia ang Ay May Daga na literal na parang nakakita ng daga at saka itataas ang paa.

Kaaliw. ‘Yun na ang signature pose nila sa kahit anong bansa sila magpunta.

Eh si Zia, marunong na siyang mag-pose. Grabe na rin kung tumawa at nag-e-enjoy na sa mga travel nila.

Ang wish ng DongYan fans, makabuo na sina Marian and Dingdong ng kasunod ni Zia sa Europe.

JADINE
Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with