^

PSN Showbiz

MCcoy nakahandang tumulong sa problema ni Bugoy

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
MCcoy nakahandang tumulong sa problema ni Bugoy

McCoy

Ilang linggo nang usap-usapan ang pagkakatanggal diumano nina Jon Lucas at Bugoy Cariño sa Hashtags na napapanood sa It’s Showtime araw-araw. Nabuntis diumano ng da­lawa ang mga kasintahan na posibleng dahilan ng pagkakasuspinde sa programa.

Isa si McCoy de Leon sa mga malalapit na kaibigan nina Jon at Bugoy sa kanilang grupo. Nagbigay ng pahayag si McCoy tungkol sa isyu. “Sa amin po kasi, may rason kung sakaling totoo nga po ‘yung nangyari, may rason naman po. May reason ‘yung management, may reason din kami. May reason din ‘yung family,” makahulugang pahayag ni McCoy.

Gayunpaman ay wala raw sa posisyon ang binata upang magsalita tungkol sa kung ano man ang pinagdadaanan nina Jon at Bugoy ngayon. “Sa nangyari po sa kanila, nagrespetuhan naman po ng desisyon kung may nangyari man,” giit ni McCoy.

Nagbigay din ang aktor ng  mensahe para kay Bugoy. “Gusto ko sabihin sa kanya, nandito kaming mga kaibigan mo. Kung sakaling magkaproblema man o wala, palagi kaming nandito. Lalo na ‘yung mga kagrupo niya, mga kuya niya sa Showtime, sa Hashtags. Nandito lang kami nag-aantay sa kanya,” pagtatapos ni McCoy.

Edgar Allan inaming kasama ang ex-gf ng dalawang linggo sa Amerika

Kamakailan ay kasamang nagbakasyon sa Amerika ni Edgar Allan Guzman ang dating kasintahan na si Shaira Mae dela Cruz. Ayon sa aktor ay magkaibigan na lamang sila ng dalaga ngayon at walang masama kung nagkasama man sila ng dalawang linggo sa nasabing bakasyon.

“Matagal na kasing naka-book ‘yon, so hindi sinadya. I mean, before talagang ano… pero ngayon kasi kumbaga gusto ko lang ding huminga. Gusto ko lang ding magbakasyon kaya itinuloy ko. So para sa akin, kung magkasama man kami do’n, wala namang malisya ‘yon. Wala naman akong ano sa sasabihin ng iba. So siguro na-misinterpret lang na may kasama pero matagal nang naka-book ‘yon. Saka hindi lang naman kaming dalawa ‘yung nagbakasyon do’n, marami kami,” kuwento ni Edgar Allan.

Naniniwala ang aktor na posibleng maging matalik na magkaibigan ang dating magkarelasyon katulad nila ni Shaira. “Lahat naman ng tao puwedeng maging magkaibigan. Hindi naman lahat ‘pag sinabi mong wala na eh wala na ring communication. Lahat naman pwedeng maging magkaibigan. Naniniwala kasi ako na kahit ex mo, puwede mong maging friends. Kasi nasa isang magkarelasyon naman ‘yon, kung itutuloy niya as friend o itutuloy n’yo as wala na talaga,” giit ni E.A.

May mga bagay daw na natutunan ang dating magkasintahan ngayong magkaibigan na lamang sila. “Kasi tumatanda na kami, so dati bata, akala namin ganito. So this time, mas matured kami kung paano hahawakan ‘yung sarili namin. Give time to ourselves and to our work para magawa namin ‘yung mga hindi naming nagawa before,” paliwanag ng aktor.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with