^

PSN Showbiz

Baron nasa rehab na!

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Kuwento ng kalibugan ang unang isinulat at ididirek ni Joross Gamboa.

Ito’y kuwento raw ng isang guwapong lalaki na bawal magkaroon ng sexual arousal at may pagka-sex comedy raw ito.

“International model siya, self-loved guru siya, tapos guwapo siya saka mayaman. So, ang daming babae ang humahabol sa kanya. Until na may papasok na babaeng mai-in love siya, so papaano na ngayon?

“Meron palang ganun. Nabasa ko lang sa thread ‘yun na hindi raw siya puwedeng tigasan. Kapag nangyari ‘yun, magkakaroon siya ng sakit sa pelvic bone, may sakit siyang maramdaman na parang sakit sa bato, parang ganun ‘yung tama. Pero dahil pelikula, pinalala ko lang,” dagdag na pahayag ng aktor.

“Makaka-relate lahat kasi kung papano mo maiiwasan ang temptasyon,” sabi pa ni Joross.

Inalok daw niya ang material sa ABS-CBN at kaagad na inaprubahan at ipalalabas daw ito sa digital nila na parang Netflix.

Magsisimula na raw siyang magpa-audition para sa lead role na gaganap sa kakaibang kuwento na sinulat niya.

PAK: “Hay sa wakas!” bulalas ng beteranang aktres na si Divi­na Valencia nang magpakasal na ang anak niyang si Dranreb Belleza sa long-time partner nitong si Vale dela Riva.

Isang simple at pribadong kasalan ang ginanap sa Iago’s restaurant sa Quezon City na dinaluhan ng malalapit na kaibigan sa showbiz na sina Elizabeth Oropesa, Kim Atienza, Jobert Sucaldito, at Monching Gutierrez.

Magkababata pala sina Dranreb at Vale at nagkadebelopan. Ikinasal daw sila sa isang pastor pitong taon nang nakaraan, at ngayon ay civil wedding na kung saan si Mayor Herbert Bautista ang nag-officiate.

Parang nabunutan daw ng tinik si Divina pagkatapos ng kasal.

Naloka ang guests dahil pagkatapos ng seremonya ay biglang nag-brownout sa lugar nila, kaya naging biruan na hanggang sa kasalan dumilim pa.

BOOM: As of presstime, hindi pa rin sumasagot si Baron Geisler sa tawag at text namin. Hinihi­ngan namin siya ng detalye tungkol sa pagpapa-rehab niya.

Kinu-contact namin siya pagkatapos niyang mag-shoutout sa kanyang Facebook account ng, “I am going into rehab, and take this very seriously this time. I am sorry to all whom I’ve hurt or offended. I will be better, and I will see you all again and work with you, when I am ready. Pag-ibig.”

Marami siyang mga kaibigan ang nagbigay ng mensahe na sana totoo na at maghihintay sila sa kanyang pagbalik.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with