^

PSN Showbiz

Kaya pala walang time manligaw, Andre may itinatagong GF!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon
Kaya pala walang time manligaw, Andre may itinatagong GF!

Wala raw nililigawan at girlfriend ngayon si Andre Paras, sabi nito sa presscon ng Sherlock, Jr. Wala raw siyang time manligaw dahil busy sa career, nag-aaral, at marami pang iba.

Naintriga lang kami nang mapadaan sa Instagram (IG) account ni Andre, may photo siyang kasama ang isang girl, pero sinadya nilang takpan ang kanilang mukha.

Kris balik Star Cinema?!

Mukhang mas mauunang makagawa uli ng pelikula sa Star Cinema si Kris Aquino kesa sa ABS-CBN dahil balitang may meeting noong isang araw sa Star Cinema si Ericson Raymundo na siyang umaasikaso sa non-digital deals ni Kris.

Nasulat ni Kris sa kanyang blog na isa sa natanggap niyang movie offer ang sa Star Cinema at baka ito nga iyon. Sandali lang daw ang meeting at ipinarating lang ang offer ng Star Cine­­ma kay Kris.

Nasa Amerika si Kris para sa kanyang medical check-up at next week pa ang balik nito.

Glaiza pressured maging perpekto

Hindi sa ratings ng Contessa napi-pressure si Glaiza de Castro, kung hindi sa mga sinabi ng kasama na puring-puri siya sa husay nitong umarte.

Ani Gabby Eigenmann, si Glaiza ang Best Actress, at sabi naman ni Lauren Young na noon pa siyang hinangad na makatrabaho ito. Si Jak Roberto ay na-inti­midate sa first few scenes nila at si direk Albert Langitan ay bilib din sa kanya.

Ang feeling tuloy ni Glaiza, kailangang hindi siya magkamali or else, mapapahiya siya sa mga kasama sa Afternoon Prime. So far, ang ganda ng feedback sa pilot week nito.

Aicelle may naghihintay na show

Kahapon lumipad si Aicelle Santos for Manchester, England para sa Miss Saigon UK Tour kung saan ay gagampanan niya ang role at karakter ni Gigi Van Tranh. Kung hindi pala umalis si Aicelle ay may gagawin itong musical series sa GMA 7 at kasama si Myke Salomon.

Nabanggit ni Noel Ferrer, manager ni Myke na baka ituloy pa rin ng network ang series pagbalik ni Aicelle after 10 months.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with