^

PSN Showbiz

Fans nina James at Nadine gumastos ng p200-k sa catering

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Fans nina James at Nadine  gumastos ng p200-k sa catering

May regalo pang branded bag and shoes

Type ko na makilala ang generous fans nina James Reid at Nadine Lustre dahil sa kuwento na narinig ko tungkol sa last shooting day ng Never Not Love You.

Ikinaloka ko ang balita na sinagot ng JaDine fans ang catering sa last shooting day ng Viva Films movie as in saganang-sagana sa pagkain at bumaha ang drinks sa set kaya parang fiesta ang atmosphere. Sa tantiya ng nagkuwento sa akin, parang gumastos ng halos P200,000 ang JaDine fans na always ready sa pagpapakita ng suporta sa kanilang mga idol.

Kailangan na maging friends ko ang JaDine fans na hindi lamang mahilig mag-treat ng pagkain, nireregaluhan din nila sina James at Nadine ng signature shoes and bags. Kita n’yo naman, in full force sila sa Revolution concert ng dalawa sa Smart Araneta Coliseum noong nakaraang buwan.

Sure na sure ako na susuportahan din ng JaDine ang Never Not Love You kapag ipinalabas na ito sa mga sinehan sa March 31. Nagpadala na ng request sa Viva Films ang iba’t ibang fans club nina James at Nadine para sa mga ino-organize nila na block screening ng Never Not Love You.

Confident ang Viva Films bosses na hahataw sa takil­ya ang bagong JaDine movie dahil maganda ang pelikula na kinunan pa sa London ang mga eksena. Si Antoinette Jadaone ang direktor ng Never Not Love You at alam naman ng lahat na kabilang si Antoinette sa mga magagaling na young director. Siya ang direktor ng On The Wings of Love, ang hit teleserye ng ABS-CBN na pinagbidahan nina James at Nadine kaya gamay na gamay na nila ang ugali ng isa’t isa.

Alalay ni Alden nakikipagsabayan sa pagpapa-interview

Hindi na maabot si Tenten Mendoza, ang personal assistant ni Alden Richards na nagkaroon ng big break sa Barangay Jokers ng Eat Bulaga. Naloka ako nang makita ko na iniinterbyu rin si Tenten ng mga reporter sa Tuesday presscon ng Cookie’s Peanut Butter, ang bagong product endorsement ni Alden. Mapagkakamalan tuloy na parehong mga endorser ng Cookie’s Peanut Butter sina Alden at Tenten.

Kahit sumisikat na ang Kendoll character niya sa Barangay Jokers, hindi pa rin nagbabago ang ugali ni Tenten na always humble at down-to-earth. Mabait talaga si Alden dahil pinapayagan niya si Tenten na rumaket. Imagine, may mga lakad si Alden na hindi niya isinasama si Tenten para maka-apir ito sa Barangay Jokers.

Hindi naman kasi personal assistant ang trato ni Alden kay Tenten. Parang tunay na kamag-anak na ang turing ni Alden kay Tenten na kasama na niya noong hindi pa siya artista. May beauty parlor si Tenten sa Biñan, Laguna pero ibinigay niya sa kanyang kapatid para makapag-concentrate siya sa pag-aalaga kay Alden.

Bago pa nagkaroon ng Maine Mendoza sa buhay ni Alden, may Mendoza na siya at ito ay si Ten­ten na Mendoza rin ang family name pero walang relasyon kay Maine.

Ryzza Mae nakakawala raw ng kaba 

Sa tuwing umaapir si Tenten sa Barangay Jo­kers ng Eat Bulaga, kabadung-kabado siya dahil sa mga linya na sasabihin niya. Nababawasan ang nararamdaman na kaba ni Tenten kapag kasama na niya si Ryzza Mae Dizon dahil nahahawa siya sa good vibes nito.

Bilib na bilib si Tenten kay Ryzza Mae na mahusay mag-adlib at mag-memorize ng mga linya. Ang nakakatuwa, sideline lamang talaga ni Tenten ang Kendoll role niya sa Barangay Jokers dahil ang pag-aalaga kay Alden ang kanyang number one priority.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with