^

PSN Showbiz

Maja fan na fan ni Maymay

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Maja fan na fan ni Maymay

Masayang-masaya si Maja Sal­va­dor dahil makakapag-guest sa kanyang dance concert bukas na may titulong Maja On Stage si Maymay Entrata. Gaganapin ito sa KIA Theater. 

Ayon kay Maja ay talagang hinahangaan niya ang baguhang aktres mula noong nasa loob pa ito ng Pinoy Big Brother (PBB) house. 

Personal umanong hiniling ng dalaga kay Maymay na mag-guest sa kanyang concert. “Oo, kahit pa sa ASAP, tapos kahit siya no’ng concert niya, gusto niya rin ako i-guest kaya lang nagkasabay naman na may concert ako sa U.S., hindi po nagtugma ‘yung schedule. No’ng sinabi sa kanya na kung gusto niya, pumayag siya na sumegue siya. ‘Yon ‘yung nakakatuwa kay Maymay,” pagbabahagi ni Maja.

Bukod kay Maymay ay makakasama rin ni Maja bilang mga panauhin sa concert sina Kakai Bautista, Joseph Marco, RK Bagatsing, Vin Abrenica, at Pooh. “Mga hot sila, mga nakasama ko sa serye at nakasama ko sa pelikula,” pagtatapos ng aktres.

James at Nadine hindi nagbilang ng halikan sa Never... 

May pagka-mature ang tema ng bagong pelikula nina Nadine Lustre at James Reid na Never Not Love You na mapapanood na sa mga sinehan simula sa Black Saturday.  Maraming eksenang naghalikan ang magkasintahan sa nasabing proyekto. “It’s too many to count,” natatawang bungad ni James. 

“Hindi po namin alam pero ang favorite kissing scene kopo, ‘yung sa condo. May scene kasi doon na parang nag-move in na si Joanne sa condo, the one in the teaser,natatawa ring pahayag ni Nadine. 

Bukod sa maraming halikan ay hindi rin makalilimutan ng dalawa ang eksenang kinunan nila sa Zambales. “Ang pinaka-favorite scene ko po ‘yung sa lake. ‘Yon ‘yung pinaka-effort na shoot namin. Nasa lake kami, hindi madali ang eksena na ‘yon eh,” kuwento ni Nadine. 

“Same sa lake sa Zambales, I think it’s the height of the love and the romance,” dagdag naman ni James. 

Samantala, nilinaw ni Nadine ang tungkol sa napabalita kamakailan na nagkatampuhan sila ng direktor ng pelikula na si Antoinette Jadaone. “It was all a misunderstanding kasi nagkasakit ako.”

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with