^

PSN Showbiz

Career ni John Lloyd gustong buhayin ni Direk Cathy

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon
Career ni John Lloyd gustong buhayin ni Direk Cathy

Direk Cathy at John Lloyd

Last year pa nagsabi ang box-office director na si Cathy Garcia Molina sa management ng Star Cinema sa plano niyang pagreretiro dahil gusto na niyang tutukan ang pag-aalaga sa dalawa niyang gro­wing up daughters na sina Kalyn at Basha at harapin na rin ang personal niyang buhay. Si Direk Cathy ay may non-showbiz boyfriend ngayon.

Bukod sa maraming TV series na nagawa na niya sa bakuran ng Kapamilya Network, 22 pelikula na ang kanyang naidirek at kasama na rito ang showing ngayon sa mga sinehan, ang first team-up nina Gerald Anderson at dating Miss Universe na si Pia Wurtzbach, ang My Perfect You.

Soon ay malapit na niyang simulan ang bagong movie nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla na idinirek niya noong 2014 sa pelikulang She’s Dating A Gangster. Sa matitirang tatlong pelikula, umaasa si Direk Cathy na sana’y muli niyang maidirek ang paborito niyang actor na si John Lloyd Cruz na 11 times na niyang nakatrabaho sa pelikula.

Bago ang My Perfect You ay si Direk Cathy rin ang nagdirek ng Seven Sundays na comeback movie ni Aga Muhlach at Unexpectedly Yours na reunion movie naman nina Sharon Cuneta at Robin Padilla.

Maricel binalikan ang original home

Natutuwa ang fans ng Diamond Star na si Maricel Soriano dahil may bagong project itong sinimulan sa bakuran ng Regal Films, ang Two Mommies na tinatampukan din nina Paolo Ballesteros, Solenn Heussaff, Dianne Medina, at iba pa mula sa direksiyon ng actor-director na si Eric Quizon.

Natutuwa si Maria na muli siyang nakabalik sa kanyang original home film studio na pinamamahalaan ng mag-inang Mother Lily at Roselle Monteverde.

Ara at Patrick hindi pa kayang maghanap ng kapalit

Next month ay magta-tatlong taon nang hiwalay ang dating magkasintahang Ara Mina at Bulacan, Bulacan Mayor Patrick Meneses.  Ang estranged sweethearts ay may more than three-year-old daughter na si Amanda Gabrielle na replica ng kanyang ama. Pero sa kabila ng hiwalayan ng dalawa, nananatili pa rin silang magkaibigan hanggang ngayon dahil na rin sa kanilang anak na maituturing na Daddy’s girl.

Hanggang ngayon ay wala pa ring ibang babaeng nali-link kay Mayor Patrick kaya may posibilidad pa ring magkabalikan ang dalawa.

In all fairness naman daw kay Mayor Patrick, hindi ito nagpapabaya bilang ama at mahal na mahal nito ang anak nila ni Ara.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with