^

PSN Showbiz

Dating singer-actress na pinaghahanap ang nambaboy sa kanyang anak, nandadamay ng mga walang malay!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Sobrang nagiging OA na ang da­ting ng isang singer-actress na may pinagdadaanang matin­ding problemang pampamilya. Pinaghahanap ngayon ng female persona­lity ang isang dati niyang karelasyon na diumano’y nambaboy sa kanyang anak.

May warrant of arrest na ang lalaki, taon na ang binibilang ng kanyang paghahanap, pero walang kahit sino’ng makapagturo sa kanya kung nasaan ito. Lahat ng kanyang mga kaibigan ay inabala na ng singer-actress, nagpapatulong siyang mahanap ang lalaki, pero palagi siyang bigo.

Kuwento ng aming source, “Dahil na rin siguro sa kadesperaduhang makita ang ex niya, e, kung sinu-sino na ang idinadamay niya ngayon. Pati mga taong nananahimik, e, inaaway niya, ginugulo niya sa social media!

“Tama bang pagbintangan niya ang mga dati nilang kaibigan ng ex niya na itinatago ang hinahanap niya? Ano naman ang kinalaman ng mga taong ‘yun sa nakakalaro lang naman sa basketball ng pinaghahanap niyang lalaki?

“Hindi na tama ang ginagawa niya, pabayaan na lang niyang mga otoridad ang maghanap sa ex niya, huwag na dapat siyang nambubulabog ng mga taong nananahimik!

“Nakakabuwisit ang ganu’n, pilit niyang idinidiin ang mga taong wala namang kinalaman sa mga problema ng pamilya nila! Tama bang magparinig siya nang magparinig sa mga taong tahimik na namumuhay?” simulang kuwento ng aming impormante.

Dalawang pamilyadong kilalang male personalities ang binubulabog ngayon ng singer-actress na ito. Ang tanging kasalanan ng dalawang aktor ay naging kalaro nila sa basketball ang lalaki.

“Imagine, nagpo-post siya ng kung anu-anong idea na itinatago ng dalawang aktor ang pinaghahanap niyang ex! At itina-tag pa niya ang dalawa para makarating ang mga pinaggagagawa niya!

“Gusto na ngang kasuhan ng cyber bullying ng mga lalaking ‘yun ang singer-actress, may mga nagpapayo lang sa kanila na huwag na, dahil isang malinaw na pagsasayang lang ng panahon ang gagawin nilang action.

“Pero huwag magpakakumportable ang girl, ha? Nakabantay na ang mga abogado ng mga taong pinagbibintangan niyang nagkakanlong sa ex niya. Huwag siyang mawili, dahil baka siya naman ang maasunto!

“OA na siya! Kahit kanino na lang, e, ikinukuwento niya ang ginawa ng ex niya sa anak niya, bigyan naman sana niya ng kahihiyan ang menor de edad na kinakaladkad niya sa kuwento!” inis na inis na kuwento ng aming source.

Ubos!

Maine nakakaladkad sa pambabastos ni Juancho kay Alden

Ano kaya ang nakain ng aktor na si Juancho Trivino para harap-harapang ngaratan ang poster ni Alden Richards? Ano ba ang asunto sa kanya ni Alden, at hindi lang isang daliri ang kanyang ginamit sa pamamakyu sa poster ng Pambansang Bae, dalawa pa.

At hindi na nito maipagkakaila ang kanyang ginawa, kalat na kalat na ‘yun ngayon sa social media, kaya timbang-timbang apdo at banye-ban­yerang ampalaya ang ipinakakain sa kanya ngayon ng mga tagahanga ni Alden.

Maraming nagpapalagay na may kinalaman si Maine Mendoza sa naging aksiyon ni Juancho, ilang linggo na kasing lumalabas ang kuwentong close sila ngayon at palaging magkasama, pero hindi naman siguro ang tipo ng Dubsmash Queen ang magtutulak sa aktor na bastusin si Alden.

Kung si Juancho ang magsasabing si Maine ang nasa likod ng kanyang pangangarat sa poster ni Alden ay saka lang magiging kapani-paniwala ang bintang, pero hanggang wala itong direktang pahayag na may kinalaman du’n si Maine ay magiging haka-haka lang ang lahat, si Juancho lang ang dapat pupugin ng mga nagmamahal sa Pambansang Bae.

Naiinggit kaya si Juancho kay Alden? Kunsabagay, kahit naman sino’ng nangangarap na sumikat ay talagang maaapektuhan sa kasikatan ni Alden Richards, mapapaiba pa ba du’n si Juancho?

Saka bakit poster? Puwede namang maki­pagkita si Juancho kay Alden, kaya kung tala­gang matapang ang lalaking ito, gawin nito ang pamamakyu sa binata nang personal.

Sa poster man o harap-harapan ay mali ang ginawa ni Juancho Trivino. Biro man o totoo ay talagang maling-mali ang aksiyong ipinakita nito na nasasaksihan na rin ngayon sa social media.

Kailangang rolyohan si Juancho Trivino ng mga nagmamalasakit sa kanyang career. Hindi sukatan ng pagiging tunay na lalaki ang ginawa niya. Senyal ‘yun ng kaduwagan.

Sa kahit ano’ng anggulo ay duwag ang taong patalikod kung lumaban. Traydor pa nga para makumpleto ang paglalarawan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with