^

PSN Showbiz

Sakit ni Kris hindi pa mahanap ng mga doktor sa Amerika

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Nasa ibang bansa si Kris Aquino para magpa-check up sa matinding allergy na ‘pag umatake ay bumababa o tumataas ang kanyang blood pressure. Napansin ni Kris na umaatake ang allergy niya bago o during her menstrual pe­riods. Umaabot ng four days ang allergy attack niya na nagsimula pa noong August 2017.

Napansin ni Kris na iba-iba ang nagti-trigger ng allergy niya, puwedeng sa food, pagod, o dust, pollen. Kaya lumipad pa-Amerika si Kris at nag-update ito sa Instagram (IG) habang nasa hospital siya for her first set of tests and blood works. Idinetalye ni Kris sa blog niyang may title na “Health is an Investment” ang medical condition niya para i-prioritize ng makabasa ang kanilang health. Kasama palang ibinalita ni Kris sa kanyang blog na bukod sa movie na gagawin sa iflix ay may three movie offers pa siya na sana raw ay magawa niya.

Juancho dali-daling nagpaliwanag kay Alden

Sa presscon ng Season 3 ng Lip Sync Battle napanood ng isang bossing ng GMA 7 ang video ni Juancho Trivino na nagdi-dirty finger sa poster ni Alden Richards. Kaibigang babae ni Juancho ang nag-video at nag-post nito.

Kasunod noon, nag-post si Juancho sa Instagram (IG) na nagso-sorry kay Alden. “I sincerely apologize for my actions in the video that has been circulating recently. It was a bad joke not intended for Alden. Humihingi ako ng pasensya kay Alden for drawing him into this, and sa kanyang pamilya na nagkaroon ng ganitong issue,”

Ang sabi, nag-text si Juancho kay Alden nang kumalat ang video at it was taken out of context daw. Napansin lang na disabled ang comment box ng IG ni Juancho.

Atom nagpaiyak sa ad na nagpapakita ng mga bata sa Marawi

May kurot at kirot sa puso ang online video para sa National Breakfast campaign ng McDonald’s na ginawa ni Atom Araullo. Ini-launch last Monday ang video na tinawag na Baby Bakwits of Marawi at nagpakita sa mga batang naapektuhan din sa giyera sa Marawi.

Umabot sa 7,000 ang babies na ipinanganak during the Marawi siege at ilan sa kanila ang mapapanood sa video.

Naluha ang karamihan sa nakapanood nang i-launch ang video sa McDo­nald’s Madison kung saan, present si Atom, manager niyang si Noel Ferrer at ibang talents nito. Mapapanood ang video sa FB page ng McDo o sa YouTube.

Sabi pala ni Atom, sa March 25 na ang pilot ng monthly special niya sa GMA 7 na The Atom Araullo Special. Sometime in May naman ang airing ng second docu niya para sa I-Witness.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with