^

PSN Showbiz

Dingdong maraming alaala kay Anne!

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon
Dingdong maraming alaala kay Anne!

Hindi aware ang marami na ang mister ni Ma­rian Rivera na si Dingdong Dantes was only in his teens nang ito’y magsimula bilang miyembro ng isang all-boys dance group na Abztract Dancers kung saan member din ang pinsan niyang si Arthur Solinap.

Ang Abztract Dancers ay naging regular performer noon sa That’s Entertainment at Eat Bulaga. Pagkatapos nito ay naging bahagi si Dingdong ng youth-oriented drama series ng GMA, ang T.G.I.S. na tinampukan din ng ibang young talents ng Kapuso Network tulad nina Angelu de Leon, Bobby Andrews, Anne Curtis, Onemig Bondoc, Michael Flores, at iba pa na tumagal sa ere ng  mahigit dalawang taon.

Muling nagkasama sina Dingdong at Anne sa Viva movie na Honey, My Love So Sweet na idinirek ng yumaong director na si Boots Plata. Hindi naglaon ay lumipat na si Anne sa Kapa­milya Network at hindi na muling nagkatrabaho ang dalawa.

After almost two decades ay muling pinagtagpo sina Anne at Dingdong sa isang movie project, ang Sid and Aya (Not A Love Story) na pinamamahalaan ni Irene Villamor, same director ng hit movie na Camp Sawi at Meet Me in St. Gallen at co-production ng Viva Films at N2 Productions ng nobyo ni Angel Locsin na si Neil Arce. This time ay sina Anne at Dingdong na ang magkatambal and part ng pelikula ay kinunan sa Tokyo, Japan.

Puring-puring ni Dingdong si Anne dahil bukod sa mahusay itong actress ay isa umano itong masayahing tao. 

John biglang naaligaga sa offer na magdirek

Grabe ngayon ang schedule ni John Prats dahil bukod sa taping ng FPJ’s Ang Probinsyano at Banana Sundae, pinaglalaanan din niya ng oras ang pagiging director hindi lamang ng music video kundi pati na rin sa stage live concerts. 

May times pa nga na hindi natatanggap lahat ni John ang offer para mag-direk ng ibang projects dahil sa kanyang tight schedule. Bukod kasi sa pagiging actor-dancer, pinasok na rin ni John ang pagdidirek ng projects ng Bright Bulb Productions na kanyang itinatag kasama sina Angelica Panganiban at Sam Milby as business partners.

Matapos ang matagumpay na pagdidirek sa music video at first major solo concert ni Moira dela Torre, pinaghahandaan naman niya ang nalalapit na magkahiwalay na solo concerts nina K Brosas at Richard Poon sa buwan ng April at May.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with