^

PSN Showbiz

Rachelle Ann handa na sa kasal next month!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon
Rachelle Ann handa na  sa kasal next month!

Rachel Ann at Martin

Sabi ni Mark Bautista sa Instagram account ni Noel Ferrer na next month na ikakasal si Rachelle Ann Go sa fiance niyang si Martin Spies.

Binisita namin ang IG ng fiance ni Rachelle at caption sa isang photo nila ay “Congrats to my soon to be wife.” May isa pa silang photo na suot ni Martin ang T-shirt na may mukha ni Rachelle at ang hashtag ay #1fan. Kaaliw din na nag-aral magluto ng chicken adobo ang soon-to-be husband ni Rachelle.

Nag-propose ng kasal si Martin kay Rachelle last September 23, 2017 sa Boracay.

GF ni Rocco lumalantad na

Hindi lang sa litrato may hawig kay China Cojuangco ang GF ni Rocco Nacino na si Melissa Gohing na nakilala namin sa bloodletting charity event to celebrate his 31st birthday sa co-owned niyang Ruffo’s restaurant sa Timog. Present sa cha­rity event si Melissa at napansin namin na kahit five months pa lang ang relasyon nila ay welcome na siya sa pa­rents ng aktor.

Bukas pa ang birthday ni Rocco, pero may advance celebration na siya last March 17, sabay ng bloodletting cha­rity event. Fa­mily, friends, and fans ang mga nag-donate ng dugo sa tulong ng doctors from PGH. Ang Pedia Oncology Ward ng PGH at Bahay Aruga ang beneficiaries nina Rocco.

Natutuwa si Rocco na kahit saan sila magpunta ni Melissa ay maraming pabor sa kanilang relasyon. Isinama ni Rocco sa cast party ng Haplos si Melissa. After Haplos, ang alam ni Rocco na next teleserye niya ay sa August pa.

Sa May 18, naman ay may show sila nina Jak Rober­to, Dave Bornea, at Derrick Mo­ nas­terio sa Music Museum billed Oh, Boy! & Oh, Lol!  

Sa June and July, ay may show siya sa US. Siya ang ni-request ng Pinoy nurses na makita nang personal at mag-show dahil registered nurse rin ang aktor.

Juancho ayaw pa ring tantanan ng pambubully si Alden

May presscon this Tuesday si Alden Richards para sa Cookie’s Peanut Butter. Mainit pa ang isyu ng pag-dirty finger ni Juancho Trivino sa poster ni Alden at tiyak na matatanong si Alden tungkol dito.

Inaway tuloy si Juancho ng fans ni Alden at kung anu-ano ang inakusa rito. Lumabas uli ang isyung binu-bully ni Juancho si Alden noong classmates pa sila sa De La Salle, Canlubang.

Samantala, sunod pala sa pangalan ng may-ari ng peanut butter na si Coo­kie Yatco ang Cookie’s Peanut Butter. Locally made ito at nararapat na suportahan dahil maliit pa lang ang kompanya, pero marami na ang natutulungang magkatrabaho.

Balikan nina Barbie at Jak pinalitan

May teaser na ang rom-com series na Inday Will Always Love You kung saan, ibinabalik ng GMA 7 ang love team nina Barbie Forteza at Derrick Mo­nasterio.

Hindi ‘yun ang original title ng rom-com series. Unang napili ng GMA Public Affairs ang  Bongga Ka ‘Day, pero napalitan. Hindi lang title ang nagbago sa project dahil pati director ay napalitan. Magaling ang bagong direktor na si Monti Parungao.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with