KZ masaya pa rin kahit naligwak sa China!
SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - March 19, 2018 - 12:00am

Ilang linggong pinahanga ni KZ Tandingan ang buong mundo dahil sa mahusay niyang pagtatanghal sa Singer 2018 ng China. Kababalik pa lamang ng aktres sa bansa dahil natanggal na siya sa nasabing singing competition kamakailan.

Ikinagulat ng marami ang pagkakaalis ni KZ sa show matapos kantahin ang Royals ni Lorde. “Walang pagsisisi, masaya pa rin ako kasi every performance na ginawa ko, ibinigay ko lahat ng kaya kong gawin,” nakangiting pahayag ni KZ.

Itinuturing ng dalaga na isa ang kantang Royals sa pinakamaganda niyang performance kaya kahit siya mismo ay napaisip din sa nangyari. “Sobrang unpredictable talaga ‘yung mga rankings palagi, na kahit feeling mo okay ‘yung performance mo, baka hindi trip ng mga tao,” pagbabahagi ni KZ.

Tumagal ng apat na linggo ang singer sa kompetisyon na itinuring na isa sa mga pinamakamagaling na contestant.    

Dusa ang inabot

Dating sexy star na si jenny miller may trauma pa sa dating asawa

Matagal nang hiwalay sa asawa si Jenny Miller. Matatandaang nagpakasal ang aktres sa businessman na si Cupid Feril noong 2010.

Ayon kay Jenny ay talagang nakaramdam siya ng trauma sa naging relasyon nila ng dating asawa. “Sobra akong na-trauma no’ng mag-asawa ako. Honestly ayoko nang magpakasal,” bungad ni Jenny.

Maayos ang naging takbo ng relasyon ng dating mag-asawa noong nagsisimula pa lamang sila. “On the third year do’n na ‘yung hirap, ‘yung pagbabago niya. So for three years inilaban ko, nagtiis ako. Ang pinakamasakit, marami pa pala akong hindi alam tungkol sa kanya at marami pa akong nalaman. Alam niyang siya ang nagkaproblema. Ibinigay ko lahat-lahat. Nagpaka-domesticated ako, pero hindi ako battered,” pahayag ng aktres.

Isa sa mga naging dahilan ng hiwalayan ay ang pagiging babaero diumano ng dating asawa ni Jenny. “Siyempre isa na ‘yung factor na ‘yon, hindi na siya ‘yung lalaking minahal ko, ibang-iba na siya. Binigyan ko ng chance ilang beses dahil ‘yon ang pakiusap niya na huwag ko siyang iwan. So sige, laban pa ako pero walang nagbago eh,” pagdedetalye ni Jenny.

Ngayong annulled na ang kasal ng dating mag-asawa ay magiging maingat na raw si Jenny sa paghahanap ng bagong makakarelasyon.

KZ TANDINGAN
Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with