^

PSN Showbiz

Liz uy hinihintay ilantad ang ama ng anak

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Liz uy hinihintay ilantad ang ama ng anak

Liz at Xavi

Sa May 13 pa ang Mother’s Day celebration pero pang-Mo­ther’s Day ang column ko ngayon dahil ang mga nanay ang mga bida.

Bida mommy number one ang celebrity fashion stylist na si Liz Uy na gumawa ng ingay dahil nag-post siya sa Instagram account ng cute na lovechild niya.

Dati nang nag-post noon si Liz ng picture ng ba­gets pero binura niya.

Siyempre, nagpista ang haters at bashers ni Liz nang i-share nito sa public ang picture ng kanyang innocent child.

I’m sure, may sariling reason si Liz sa desisyon nito na ipakilala sa madlang-bayan ang pinaka-importanteng tao sa buhay niya ngayon. Kung anuman ang reason na ‘yon, ta­nging siya lamang ang nakaka­alam.

Doktora sabit sa kontrobersiya ni Liz

Wanted ng mga reporter ang isang doktor na hindi sinasadya na nagkaroon ng connect sa buhay ni Liz Uy.

Type na malaman ng mga reporter ang reaksyon ni doktora tungkol sa picture na inilabas ni Liz.

 Ang tanong, magsalita kaya si doktora o saving the best for last ang move na gagawin niya?

Marian Prime Mommy

Nanay na nanay si Marian Rivera sa presscon ng Mega Prime noong Huwebes.

Bilang celebrity endorser ng Mega Prime products, ipinagmalaki ni Marian na prime mother siya dahil para sa kanyang anak na si Zia ang lahat ng mga ginagawa niya.

Gusto ni Marian na maging role model siya ng kanyang beloved daughter na sentro ng mundo nila ni Dingdong Dantes.

Tulad ng pagtitiwala niya sa Mega Prime products, buong-buo ang tiwala at pagmamahal ni Zia kay Marian.

Mommy Bloggers nagbibitbit ng sanggol sa presscon

Mabibilang sa daliri ang legit entertainment writers na invited sa presscon ng Mega Prime dahil bloggers ang karamihan sa mga nakita ko.

Naloka ako sa isang blogger na kasama ang anak niya na wala pa yatang one-year old. Super breastfeed sa kanyang anak ang blogger na hitting two birds with one stone ang drama.

 ‘Yung isang mommy blogger naman, may anak na kasama na takbo nang takbo kaya distraction siya sa presscon. Hindi naman puwedeng sisihin ang bata dahil wala itong muwang  sa mga nangyayari sa paligid niya. Malay ba niya na presscon ang pinagdalhan sa kanya ng nanay niya?

Wish ko lang, tularan si Marian ng mga mommy blogger. Alam ni Marian ang kanyang priorities at number one dito si Zia.

Isinasama lang ni Marian si Zia sa mga presscon kapag silang tatlo ni Dingdong ang mga endorser. Willing si Marian na i-give up ang lahat kapag ang kapakanan ni Zia ang involved na isa sa mga sikreto ng pagiging Mega Prime mom.

All Star Videoke tuloy na ang paglayas sa ere

Confirmed na malapit nang mag-babu sa TV ang All Star Videoke, ang karaoke game show nina Betong Sumaya at Solenn Heussaff dahil magkakaroon na ng presscon ang GMA 7 para sa third season ng Lipsync Battle Philippines, ang reality competition show nina Michael V. at Iya Villania.

Anim na buwan din na nagtagal sa ere ang All Star Videoke dahil nagsimula ito noong September 2017.

 Sa mga nagtatanong naman sa akin tungkol sa Kambal, Karibal, confirmed na extended ito hanggang April 2018 kaya hindi na dapat ma-emote ang fans na nabulabog sa television plug ng Kapuso Network na may kinalaman sa nalalapit na pagtatapos ng favorite primetime show nila.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with