^

PSN Showbiz

Singing diva binawi ang pinamigay na concert ticket sa mga host ng isang weekly show!

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon
Singing diva binawi ang pinamigay na concert ticket sa mga host ng isang weekly show!

Mayor Lani

PIK: Kitang-kita naming malungkot ang mga mata ng Bacoor Mayor Lani Mercado-Revilla nang tinanggap niya nung nakaraang Miyerkules ng umaga ang award mula sa Superbrands Marketing International, Philippines na Most Outstanding Mayor 2018.

Mahigit dalawampung alkalde sa buong bansa ang ginawaran ng naturang award at isa pa nga rito si Mayor Herbert Bautista ng Quezon City.

Sabi nga ni Mayor Lani, dito lang daw nila gustong patunayan na kahit minamaliit ang mga artista na kagaya niya, kaya nilang magsilbi nang tapat at maayos. Bale pangalawang taon na itong gina­waran si Mayor Lani ng naturang award.

Pero ang tanging ha­ngad lang niya na sana ay makasama raw niya sa labas si dating Sen. Bong Revilla na mag-celebrate ng kanyang kaarawan sa April 13 sa kanilang taha­nan at hindi sa Custodial Center ng Camp Crame.

Aminado siyang ma­lungkot siya sa kabila ng parangal na ibinibigay sa kanya dahil nakikita nilang nalulungkot na rin si Sen. Bong na nagbibilang na kung ilang araw na siya sa loob ng Camp Crame.

“Malungkot siyempre, kahit kami nagbibilang din. Ayaw lang namin tumingin sa detalye na ilang araw,  ilang oras  mo na hindi mo siya nakakasama. Ang mahalaga, buhay kami lahat at patuloy na nananalangin,” dagdag na pahayag ni Mayor Lani.

PAK: Walang ginawa ang magaling na aktres kundi pagtawanan na lang ang ginawa ng kilalang diva nang mag-guest sa kanilang weekly show kamakailan lang.

Nag-promote si Ms. Diva sa programa nila at live siyang namigay sa mga host ng ticket para panoorin daw ang concert niya.

Tuwang-tuwa naman ang mga host na nagpa-thank you kay Ms. Diva sa natanggap nilang libreng ticket.

Pagkatapos ng segment na iyun, nagbalikan na sila sa dressing room. Maya-maya, pumasok sa dressing room nila ang staff ni Ms. Diva. Pinapakuha raw ni Ms. Diva ang mga tickets na pinamigay niya.

Naloka silang lahat. Palabas lang pala yun, pang TV lang pala kuning-kuning!

Wala silang nagawa kundi isoli ang tickets. Pagkalabas ng staff, nagtawanan na lang daw sila.

Kaya naging paboritong paksa ng kuwentuhan itong ginawa ni Ms. Diva at lagi na lang nilang pinagtatawanan.

Katatapos nga lang yata ng concert ni Ms. Diva at dinig ko, parang prayer meeting daw ang dating ng show.

BOOM: Nilinaw ng kampo ni Alden Richards na wala talaga siyang bagong ka-loveteam.

May mga AlDub fans na kasing nagri-react dahil napapag-usapan na ang bagong serye na gagawin ng Pambansang Bae sa GMA 7 na hindi kasama si Maine Mendoza.

Malapit na raw ang story conference at ang dinig namin kasama na roon si Janine Gutierrez pero hindi naman daw talaga siya gaganap na ka-loveteam ni Alden.

Mas naka-focus daw ang kuwento sa pamilya ng karakter na gagampanan ni Alden. Kaya maaring walang love angle at walang kilig-kiligan sa kanilang dalawa.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with