Kasal ni Zsa Zsa sa arkitektong BF sa Italy wala nang atrasan
TAKE IT TAKE IT - Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) - March 15, 2018 - 12:00am

Star-studded ang Belo Goes the Extra sMile, ang event ng Belo Medical Clinic sa Fashion Hall ng SM Megamall noong Martes.

Kahit marami ang mga artista ang dumalo, hindi sila ang mga bida kundi ang mga bata na may cleft lip and palate na nagkaroon ng beautiful transformation sa tulong ni Dra. Vicki Belo na nakipag-ugnayan sa Operation Smile Philippines.

Nakita ko sa Belo event sina Regine Velasquez, Zsa Zsa Padilla, Christian Bautista, Tom Rodriguez, Janine Gutierrez, Iza Calzado, Claudine Barretto, Edgar Allan Guzman, Angeline Quinto at mga young star na hindi ko masyadong kilala.

Confirmed na ikakasal sa Italy si Zsa Zsa at ang kanyang architect boyfriend na si Conrad Onglao dahil pinipilit kong imbitahan niya ako.

Natuwa naman ako dahil matutupad na ang dream ni Zsa Zsa na ikasal. Noong nag-break sila ni Conrad, may plano na talaga sila na magpakasal sa Italy at dahil nag-reconcile ang dalawa, wala nang reason para hindi matuloy ang kanilang dream wedding.

True ang tsismis na pumayat na si Claudine Barretto kaya ready na siya na humarap sa kamera. Mabigyan na sana si Claudine ng television at movie assignments dahil isa siya sa mga mahuhusay na aktres ng henerasyon niya.

Kung nakabalik na sa TV ang kanyang ex-boyfriend na si Mark Anthony Fernandez, puwede nang mag-comeback uli si Claudine na huling napanood sa isang teleserye ng TV5.

Lumabas na si Mark sa Ang Probinsyano ni Coco Martin. Sure ako na wala nang liligaya pa kay Alma Moreno dahil ito ang may pangarap na mapanood ang anak niya sa Ang Probinsyano.

Si Javi Martinez ang event director ng Belo Goes the Extra sMile kaya bonggang-bongga at successful ito.

Si Javi ang asawa ni Tim Yap at sila ang may kagagawan ng talk of the town na Paris wedding nina Vicki at Hayden Kho noong September 2, 2017.

Ilang araw nang madalas na nakikita si Javi sa SM Megamall dahil hands on siya sa pag-aasikaso sa event na nangyari noong Martes.

Christian abswelto sa pagiging bading

Malinaw na ngayon sa lahat na si Mark at hindi si Christian ang Bautista na matagal nang pinagdududahan ang sexual orientation.

Naging suspect din si Christian pero maling-mali ang akala ng lahat dahil si Mark ang bisexual na inamin nito sa biography book na Beyond the Mark.

Nagkataon lang na pareho ang mga family name nila kaya nalito ang mga tsismoso at tsismosa.

Malapit nang ikasal si Christian sa kanyang fiancée na si Kat Ramnani.

Si Christian ang isa sa mga kaibigan ni Mark na nagpadala ng message of support sa singer-actor na touched na touched sa kind gesture niya. Natanggap ni Mark ang inspiring message ni Christian noong panahon na hindi pa niya alam ang magiging reaksyon ng publiko tungkol sa kanyang revelation na bisexual siya.

Bianca hindi nabago ang hitsura

Ang cheap ng isyu na nagparetoke si Bianca Umali dahil natural na matangos ang ilong niya.

Siyam na taon si Bianca nang mag-artista ito kaya nasubaybayan ng lahat ang pagdadalaga niya.

Walang nagbago sa hitsura ni Bianca, lalo na sa kanyang dati nang pointed nose.

Alam naman ng ibang mga reporter na walang ipinaayos sa mukha si Bianca. Hindi na sila dapat gumagawa ng mga isyu na walang katotohanan para may maisulat lang dahil ang kredibilidad nila ang nasisira. Nagkakaroon tuloy sila ng “mema” image. Mema for may masabi lang.

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with