Daniel wais sa pera!
SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - March 15, 2018 - 12:00am

Nakatakdang magbakasyon sa ibang bansa sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla sa mga susunod na linggo. “Pupunta sila kung saan maraming elephants. Kasi si Kathryn, she loves elephants. Kasama si Tita Min, iba nilang glam team. Before sila mag-U.S. tour,” nakangiting bungad ni Karla.

Kapag nagbibiyahe o nagbabakasyon ay nagbibigay pa rin ng suportang pinansyal ang aktres kay Daniel. Humahanga umano ang aktres dahil magaling humawak ng pera ang panganay na anak. “Pag-uwi minsan walang bawas ‘yon. Oo, ibabalik niya. Kapag may gusto siya, hihingi lang siya sa akin. May access siya kasi and/or kami pero hindi siya kukuha nang hindi niya sasabihin sa akin lalo na ‘pag malalaki na,” dagdag pa ni Karla.

Donny at Leila pangarap mag-aral sa State University

Kahit pinasok na ang mundo ng show business ay gusto pa rin daw ipagpatuloy nina Donny Pangilinan at Leila Alcasid ang pag-aaral. Panganay na anak nina Ogie Alcasid at Michelle van Eimeren si Leila habang si Donny naman ay ang pangalawang anak nina Maricel Laxa at Anthony Pangilinan.

Kabilang ang dalawa sa pinakahuling batch ng Star Magic artists na inilunsad kamakailan. “Nag-aral po ako sa University of Sydney sa Australia. Tapos I took one year off parang gap year pero babalik po ako sana this coming semester. Sana sa UP kung kaya ko. But I think for me it’s important. Sayang naman talaga if you have the opportunity to study and you don’t take the opportunity. Tapos kasi there are people who can’t go to school. You know that showbiz isn’t always super stable. Sometimes, you know, life happens. Sometimes you need to go on a different direction. So I think, studying for me is super important,” pahayag ni Leila.

Samantala, katatapos lamang ni Donny kumuha ng UPCAT o University of the Philippines College Admission Test. “Actually kaka-test ko lang po sa UP  two weeks ago. Ang hirap, but by God’s grace sana makapasa ako and hopefully starting soon makapag-sign na rin ng mga modules,” pagbabahagi naman ni Donny.

Abala ang binata sa pagiging Video Jockey o VJ ng MYX pero sisikapin daw talaga nitong makapagtapos ng pag-aaral.

Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with