Concert ni Sarah iniisipan na agad ng repeat!
RATED A - Aster Amoyo (Pilipino Star Ngayon) - March 15, 2018 - 12:00am

Halos sold-out na umano ang concert tickets para sa This 15 Me major concert ng Pop Princess na si Sarah Geronimo na gaga­napin sa Big Dome (Ara­neta Coliseum) on April 14 kung saan special guests sina Billy Crawford, Xian Lim, James Reid, at Da­niel Padilla.

Ayon kay Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies, pinaplano na umano ng Viva Live Concerts ang imme­diate repeat concert ng This 15 Me to accommodate more people na gustong mapanood ang ika-15th anniversary major concert ng kasintahan ni Matteo Guidicelli.

Ang last major solo concert ni Sarah sa Araneta Coliseum ay noong December 4, 2015 pa na pinamagatang From the Top.

Bukod sa paghahanda para sa kanyang nalalapit na concert sa Big Dome, tinatapos ngayon ni Sarah ang first movie niya with James and Xian, ang Miss Granny, na remake ng isang hit Korean movie of same title. Ito’y pinamamahalaan ng box-office director na si Bb. Joyce Bernal.

Maymay naungusan na si Kisses!

Kung tanggap na ng fans ang tambalan nina Maymay Entrata at Edward Barber, hinahanapan ngayon si Kisses Delavin ng kanyang bagong official na ka-loveteam matapos umayaw ng teen actress ang team-up nila ni Marco Gallo. Nariyan ang twenty-year-old na si Donny Pangilinan at ang 22-year-old na si Tony Labrusca sa mga sinusubukang maka-loveteam ni Kisses.

Sina Maymay at Kisses ay magkahiwalay ding binigyan ng kanilang first solo concerts sa KIA Theater last month kung saan ding hiwalay na special guests sina Edward Barber (for Maymay) at si Tony Labrusca (for Kisses).

Tila naungusan na ni Maymay si Kisses pagdating sa loveteam.

Action movie na Den of Thieves naka-$100 sa US

Nagsimula nang mapanood kahapon sa mga sinehan nationwide ang action movie na Den of Thieves released locally ng Viva Films International. Ang nasabing pelikula na ginastusan ng $30-M ay kumita na halos ng almost $100-M matapos itong i-release sa Amerika at ibang bansa last January.

Ang Den of Thieves ay mula sa panulat, direksiyon, at production ni Christian Gudegast at pinagbidahan nina Gerald Butler, O’Shea Jackson, Jr., 50 Cent, Pablo Schrieber, Dawn Olivier, Cooper Andrews, Maurice Compte, Mo McRae, at iba pa.

R-13 ang rating ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) sa pelikulang Den of Thieves na tiyak na magugustuhan ng mahilig sa action movies.

Philstar
  • Latest
Latest