Sunshine

Sunshine ayaw pangalandakan ang balikan nila ng mister na nagloko?!
ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles (Pilipino Star Ngayon) - March 15, 2018 - 12:00am

Nagpagupit na ng buhok si Sunshine Dizon dahil nagtapos na ang taping ng Ika-6 Na Utos. More than one year ding hindi nakapagpagupit ang aktres at tini-trim lang ang hair niya.

Sa rami ng magagandang eksenang nagawa sa daytime program, ang pagkamatay ng anak niyang si Austin at nang ma-reveal na si Sydney ay ang anak niyang si Milan ang dalawa sa pinaka-emotional scenes para sa kanya. Physically toxic naman lahat ang fight scenes nila ni Ryza Cenon dahil may shoulder injury siya.

May separation anxiety na nararamdaman si Sunshine at the same time, very proud siya na naging part sa sinabing “television history” dahil ito ang unang telenovela na nag-air ng six days a week.

Samantala, hindi pa rin nagpu-post si Sunshine sa social media ng family photo nila kasama ang ex-husband na si Timothy Tan. Para sa 7th birthday ng anak nilang si Doreen sa April 18, ang nasabing pictorial, but in all fairness, ang gandang tingnan na kompleto ang pamilya ni Sunshine.

Direk Cathy nagpaliwanag sa pa-wig sa kanyang mga bida

Sa presscon lang ng My Perfect You nalaman ni director Cathy Garcia-Molina na “A Film by Cathy Garcia-Molina” ang pakilala sa kanya.

“Ang feeling ko, ang mga tinitingalang director lang ang dapat lagyan ng “a film by...”. Parang I don’t deserve it, nagulat lang ako. Sa OBB, hindi rin ako nagpapalagay,” sabi nito.

Ilang pelikula na lang mababasa ang “a film by Cathy Garcia” dahil after My Perfect You  na showing na ngayon, four films na lang ang kanyang tatapusin at iiwan na ang showbiz. Sa mga anak naman niya ibibigay ang kanyang oras at atensyon.

Nabanggit din ni direk Cathy kung bakit madalas, naka-wig ang mga bida sa first part ng kanyang pelikula. Ayaw niyang makita ang artistang gumaganap sa karakter na ginagampanan.

Pangarap ni Lauren natupad  ni Glaiza

Successful si Lauren Young na gawing peg si Anne Hathaway sa The Devil Wears Prada  para sa role niyang si Daniella Imperial sa Contessa.

Si Glaiza de Castro ang makakalaban ni Lauren sa Contessa. Pero si Glaiza rin ang isa sa mga rason kung bakit niya tinanggap ang project. Mula raw nang lumipat siya sa GMA 7, gusto na niyang makatrabaho ang aktres.

Direk Erik  intimidated  sa part 2 ng OTJ

Nagsimula na pala ang shooting ng On The Job 2 sa direction ni Erik Matti, pero ang nakita palang naming may BTS sa shooting ay si John Arcilla. Hindi pa yata nagsu-shooting ang tatlo pang kasama sa main cast.

Bawal pang banggitin ang three big stars na kasama sa cast. Matagal nang hinihintay ang part two nito at heto’t ibinigay na ni direk Erik at ng Real­ity Entertainment.

Sabi ni direk Erik, Michiko Yamamoto has written a very dense and complex script for #OTJ. I am intimidated and challenged. Now this is where we find out if I am a real director or just another fake hiding behind pretty pictures.”

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with