Angel

Angel namundok muna bago sumabak sa drama show nila nina Maricel at Cesar!
Salve V. Asis (Pilipino Star Ngayon) - March 14, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Balik sa pamumundok si Angel Locsin.

Kahapon sa kanyang Instagram account ay ibinahagi niya ang pagbalik sa pagiging taong bundok. Pero sa Mt. Batolusong lang naman, sa may Tanay Rizal.

Malamang namahinga lang si Angel bago sumabak sa show niya sa ABS-CBN.

Yup, sasabak siya sa comedy/drama show with Maricel Soriano and Cesar Montano. Wala pang nabanggit ang source kung kailan ito eere pero malapit na raw mag-taping sina Angel.

Pia huhusgahan kung papasang Bond Girl!

True na nawala nga ang pagiging Miss Universe ni Pia Wurtzbach sa pelikula nila ni Gerald Anderson na My Perfect You na mapapanood na sa mga sinehan starting today.

May mga eksena siya with Gerald na hindi talaga pang Miss U na hindi na gaanong nakakagulat dahil nga sinabi na ni Direk Cathy Garcia-Molina sa presscon ng pelikula na talagang ‘yun ang goal niya sa acting ng kanyang dalawang bida.

At hindi pala ito karaniwang romantic-comedy movie, may kakaibang conflict na tiyak na ikagugulat ng mga manonood.

Ibang-ibang Pia ang mapapanood dito at hindi lang umarte-arte o rumampa-rampa, lumaban siya sa aktingan kay Gerald.

Nauna nang sinabi ni Pia na dream come true para sa kanya ang pelikulang ito.

Huhusgahan si Pia sa My Perfect You kung matutupad ba ang pangarap niyang maging Bond girl.

Vocal si Pia sa ambisyong maging James Bond girl.

Graded B ng Cinema Evaluation Board (CEB) ang My Perfect You.

BB hinatid na sa huling hantungan

Nailagak na sa hu­ling hantungan ang  bete­ranong aktor na si Bernardo Bernardo kahapon.

Nakita sa picture ng pamangkin niyang si Ate Dulce Inoturan na sila-sila lang ang naghatid ng abo ng kanilang tito sa huling hantungan.

Nasaan na ang mga kapwa niya artista na na­ging abala sa social media sa pakikiramay kay BB?

Si Robin Padilla ayon sa isang apo sa pamangkin ni BB ay nagbigay ng generous amount para sa burol ng namaalam na aktor.

AiAi nagpatawag ng abogado bago pinapirma ng kontrata ang ex b

May endorsement na agad ang online rap sensation na Ex Battalion na ngayon ay mina-manage ni AiAi delas Alas.

Magkakaroon ngayon ng press launching ang ExB bilang official endorser ng RRJ clothing line.

Nung isang gabi lang nagpirmahan ng contract sina AiAi at ExB bilang manager-talent.

Kaya naman natanong namin si AiAi kung magkano ang magiging commission niya per project sa grupo. “Above P100,000, 15 %, pero pag below P100,000, 10% lang,” sagot ng comedy queen na barya lang kung tutuusin sa talent fee niya. Pero mababait daw ang mga member ng grupo kaya gagawin niya ang lahat para maka-penetrate sa main stream ang grupong maraming sikat na kanta sa online tulad ng Hayaan Mo Sila, No Games, Come With Me, Tell Me, Bootyful at marami pang iba.

Two-year management contract ang pinirmahan ng grupo sa kanilang unang talent manager. Pinabasa muna ni Ms. Ai na maigi sa anim na member Ex Battalion na milyon milyon ang views ng mga music video ang pinirmahan nilang contract. Sa isang kanta ay umaabot ng 40 million.

Nagpatawag din ng abogado si Ms. Ai para maintindihang maigi ng grupo ang pipirmahan nila. Kaya naman klarong-klaro sa six members ang magiging role ni Ms. Ai sa kanilang career.

Bukod sa endorsement marami rin iba pang plano si AiAi sa ExB tulad ng major concert, US tour, album etc. etc.

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with