Dra. Vicki tagumpay sa pagpapaganda ng mga batang may bingot!
TAKE IT TAKE IT - Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) - March 14, 2018 - 12:00am

Congrats kay Dra. Vicki Belo at sa Belo Clinic dahil tagumpay ang event nila kahapon sa Fashion Hall ng SM Megamall.

Bida sa Belo event ang mga bata na bingot o may cleft lip and palate pero na-transform ang mga hitsura dahil sa tulong ni Vicki.

May partnership si Vicki sa Operation Smile Philippines at maraming bata na ang nabigyan nila ng bagong pag-asa sa buhay.

Kung matatandaan ninyo, ang mga cleft lift and palate victims ang special guests sa 3rd birthday party ni Scarlet Snow Belo sa Mind Museum noong March 3. Three years old pa lang si Scarlet at maaga na namulat ang isip niya tungkol sa kahalagahan ng pagtulong sa mga nangangailangan dahil ito ang itinuturo sa kanya nina Vicki at Hayden Kho, Jr.

Pangarap talaga ni Vicki na pagandahin ang bawat Pilipino, lalo na ang mga inosenteng bata na bingot at walang kakayahan ang mga magulang para ipaopera ang kanilang mga kapansanan.

Lubos ang pasasalamat ng mga magulang ng mga bagets sa mga tulong na natanggap nila mula kay Vicki at sa Operation Smile Philippines.

‘Pagpatay’ kay Boyet hindi inasahan

Hay naku, nalungkot ang Kapuso fans ni Christopher de Leon nang malaman nila na papatayin na ang kanyang karakter sa Kambal, Karibal. Kung hindi pa raw naaksidente si Boyet sa set ng Kambal, Karibal, hindi nila malalaman na tsutsugihin na siya sa kanilang favorite show. Gustung-gusto pa naman daw nila ang role ni Boyet sa Kambal, Karibal kaya affected sila sa nalalapit na pagkawala niya sa top rating television program ng Kapuso Network.

Hindi dapat malungkot ang Kapuso fans ni Boyet dahil sooner or later, mapapanood uli siya sa mga show ng GMA 7. Tandaan ninyo, never na mawawalan ng mga television assignment ang magagaling na artista na kagaya ni Boyet.

Paolo at Dindi magkaroon pa sana ng maraming datung

Happy birthday sa dalawang alaga ko na nagdiriwang ngayon ng birthday, sina Dindi Gallardo at Paolo Contis.

Parehong March 14, ang kaarawan nina Dindi at Paolo pero hindi sila magkaedad. Magkaiba rin ang mga ugali nila.

Same lang naman ang mga birthday wish ko sa mga alaga ko, ang magkaroon sila ng good health at more work dahil kapag maraming trabaho, marami rin ang datung. Mainstay si Dindi ng The Blood Sisters ng ABS-CBN at regular na napapanood si Paolo sa Bubble Gang ng GMA 7.

Liza siguradong tikom ang bibig sa resignation ni Aiza sa NYC

Nakakaintriga ang resignation ni Aiza Seguerra bilang chairperson ng National Youth Commission.

Personal ang sinabi niyang dahilan sa pagbibitiw sa tungkulin na ipinagkatiwala sa kanya ni President Rodrigo Duterte.

Kahit sinabi ni Aiza na personal, makulit ang mga intrigera. Pilit nilang inaalam ang tunay na reason ng pagbababu ni Aiza na binibigyan ng ibang kahulugan.

I’m sure, alam ni Film Development Council of the Philippines (FDCP) Chair Liza Diño ang puno’t dulo ng desisyon ni Aiza na iwanan ang National Youth Commission. Ewan ko lang kung magsasalita si Mama Liza kapag tinanong ko siya dahil sure na igagalang niya ang pasya ng kanyang asawa.

Nakapanghihinayang ang resignation ni Aiza dahil tulad ni Mama Liza, magaganda ang mga plano niya para sa National Youth Commission. Nagkakatulungan pa nga ang magdyowa dahil may mga joint project ang NYC at ang FDCP.

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with