Ritz

Ritz tigil muna sa paglalantad ng katawan!
SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - March 14, 2018 - 12:00am

Magbibida sa isang bagong pelikula sina Ritz Azul at Edgar Allan Guzman para sa CineFilipino Film Festival na gaganapin sa susunod na buwan. Mata Tapang ang working title ng independent film na pagtatambalan ng dalawa at ayon kay Ritz ay hindi muna siya magpapaseksi rito. 

“Well this year, wala pang sexy roles. Medyo co­medy rin siya. Abangan na lang nila, dito wholesome naman,” bungad ni Ritz. 

Base umano ang kuwento ng pelikula sa buhay ng isang sundalo at malaking bahagi nito ay nangyari talaga sa totoong buhay. “Based siya sa true story ng director namin at writer na si direk Rod Marmol. Kasi ang father niya ay nabulag dahil sa service, sundalo siya. Gano’n din ‘yung story ng indie film. Naging comedy siya dahil may nakikita siyang iba. Kasi siya lang ‘yung nagligtas doon sa friends niya. So ‘yung journey nila, ‘yon ‘yung comedy,” pagbabahagi ng aktres. 

Tony ‘di pa maamin sa Darna

Kasama si Tony Labrusca sa pinakabagong batch ng Star Magic artists na inilunsad kamakailan. May bulung-bulungan na magiging bahagi ang baguhang aktor ng pelikulang Darna na pagbibidahan ni Liza Soberano.

“Wala pa pong confirmed at all. For me anything can be changed. Until you sign that contract, you’ll never know. I can’t claim to be part of a movie if I haven’t signed anything,” paglilinaw ni Tony.

Matatandaang nakaranas ng online bashing si Tony nang makasama ang tambalan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla sa teleseryeng La Luna Sangre. Lumabas na third wheel si Tony sa tambalan ng KathNiel kaya na-bash ng mga tagahanga ang aktor. 

Nakahanda kaya si Tony na harapin ang hamon kung sakaling si Enrique Gil ang makakatambal ni Liza sa Darna? 

Samantala, nagkakilala na raw ang binata at si Liza at para kay Tony ay napakabuting aktres nito. “Just like what everybody says, Liza doesn’t disappoint. She’s a beautiful young woman. She’s so classy and she handles herself so well. You can just tell that she’s a genuinely nice person. I really appreciate that about her,” nakangiting pahayag ng aktor.

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with