Kring Kring

Kring-Kring paiilawan ang San Juanico Bridge
RATED A - Aster Amoyo (Pilipino Star Ngayon) - March 14, 2018 - 12:00am

Masayang ibinalita sa amin ni Tacloban Mayor Cristina “Kring-Kring” Gonzales-Romualdez na tuloy na ang launching ng lighting system ng makasaysayang San Juanico Bridge na nagdudugtong sa Leyte at Samar. Gaganapin ito sa darating na March 23. 

Si Mayor Kring-Kring ang chairperson ng Regional Development Council (RDC) at personal niyang inendorso ang pagpapailaw ng mahigit 2 km bridge na proyekto noon ng namayapang Presidente Ferdinand E. Marcos. 

Sixty million pesos ang nakalaang budget ng Tourism Infrastructure Tourism Zone para sa lighting system at viewing deck ng San Juanico Bridge na inaasahang lalong mang-ienganyo ng mga turista hindi lamang sa Eastern Visayas kung hindi maging sa ibang lugar. Ang nasabing proyekto ay inaasahang papasinayaan sa ika-limang anibersaryo ng bagyong Yolanda sa darating na Nobyembre.

Nai-present na rin ni Mayor Kring-Kring sa Dept. of Tourism at sa National Economic Development Authority (NEDA) ang concept at lighting system plan ng San Juanico Bridge at inaprubahan ng Tourism Infrastructure Enterprise Zone (TIEZA).

Ang lighting system ay maihahalintulad sa bridge lights na matatagpuan sa ibang bansa.

Sa kabila ng pagragasa ng bagyong Yolanda noong November 2013 ay unti-unting nakabangon ang Tacloban na halos wala nang trace ngayon ng bagyong kumitil ng libu-libong buhay at nakasira ng mga bahay at infrastructures ng siyudad at mga karatig lugar. Balik ang pag-boom ng siyudad na siyang sentro ng business trade ng Eastern Visayas. Katunayan, mas marami ngayon ang business establishments including hotels, ang nakatayo at patuloy na itinatayo sa siyudad.

Sumusunod na rin halos ang Tacloban sa Cebu City sa paramihan ng flights coming in and out of the city.

Umaasa rin si Mayor Kring-Kring na sana’y matuloy na ang pagpapaayos ng paliparan ng Daniel Z. Romualdez sa Tacloban na kailangan din ng approval ng national government. 

Samantala, hindi ikinakaila ni Mayor Kring-Kring na nami-miss niya ang showbiz pero ini-enjoy din niya ang kanyang pagiging public servant na kahit maraming challenge at marami  umano siyang natututunan.

Megan at Lauren magkasalungat ang career

Ang nakababatang kapatid ng kauna-unahang Miss World na si Me­gan Young na si Lauren Young ay dating Kapamilya talent bago ito lumipat ng Kapuso Network. 

Si Megan ay may tumatakbong teleserye ngayon, ang The Stepdaughters na tinatampukan nila ni Katrina Halili at pinamamahalaan ni Paul Sta. Ana. 

Simula naman sa Lunes, March 19 ay mapapanood si Lauren sa bagong panghapong teleserye, ang Contessa na pagsasamahan nila ni Glaiza de Castro. Ito bale ang makakapalit ng top-rating and long-running afternoon TV series na Ika-6 na Utos na pinagbibidahan nina Gabby Concepcion, Sunshine Dizon, at Ryza Cenon.

Kung si Megan ang bida sa The Stepdaughters, si Lauren ang magiging kontrabida sa character ni Glaiza sa Contessa.

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with