Yassi

Yassi walang nagkakainteres na lalakI?!
SANGA-SANGANDILA - Veronica R. Samio (Pilipino Star Ngayon) - March 14, 2018 - 12:00am

Sa ganda ba naman ng Viva artist na si Yassi Pressman na binigyan din ng matalas na pag-iisip, mabuting puso at magandang pag-uugali, meron bang lalaking makatatanggi sa ganito kagandang proposisyon? 

Pero sa maniwala kayo at sa hindi ay walang manliligaw ni isa man ang asawa ni Coco Martin sa FPJ’s Ang Probinsyano. Kay Yassi na rin mismo nanggaling ang pag-amin na ito sa guesting niya sa late night show ni Boy Abunda na Tonight With Boy Abunda. Gusto niya rin kasi dahil nakatuon siya sa kanyang pag-aartista. Sa ganda ng takbo nito ay ayaw niyang malihis sa landas na kanyang tinatahak. 

Maganda ang ibinabadya ng kanyang karera na nagbibigay ng maalwang buhay sa kanila ng kanyang pamilya.

Ronnie at Loisa kinaiiritahan ang drama

Hindi lang naman si Vice Ganda ang naimbyerna sa naging guesting nina Ronnie Alonte at Loisa Andalio sa programa niyang Gandang Gabi Vice. Kahit mismong fans ng pareha ay na-turn off din dahil hindi kinumpirma ng dalawa ang relasyon nila na obvious naman sa body language at mga binibitawang salita. 

Imbes na matuwa sa kanila ang manonood, mas nairita pa sila sa nakitang insincerity ng kabataang loveteam. Tsk. Tsk. Tsk.

Dennis at Jennylyn maraming gaGAwing negosyo!

Dennis Trillo should watch out. Tila natatabunan siya ng tatlong leading ladies niya sa The One That Got Away na sina Lovi Poe, Rhian Ramos, at Max Collins. Sa ganda ng labanan ng tatlo hindi lamang sa physical beauty kung hindi maging sa pag-arte ay tila nakakalimutan ng manonood ang lalaking pinag-aagawan ng tatlo sa serye ng GMA.

“Almost perfect guy ‘yung role ko, smart, good-looking, rich, pero almost perfect din ‘yung girls at magkakampi sila, may joint efforts to put their best foot forward, na nagbibigay problema sa character ko,” anang aktor na matagal nang isang eligible bachelor, pero nagsabing wala pa sa plano nila ni Jennylyn Mercado ang pag-aasawa. 

Marami pa silang projects at business ventures. Naniniwala ang marami na kung anumang happiness meron sila, naibibigay ito sa kanila ng pagiging single parents, si Jennylyn kay Alex Jazz at si Dennis kay Calyx Andreas.

Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with