Pia nasarapan sa halik ni Gerald!
ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles (Pilipino Star Ngayon) - March 13, 2018 - 12:00am

Kaya hindi pa perfect ang tingin kay Marlon

Natanong sa presscon ng My Perfect You ang sagot nina Gerald Anderson at Pia Wurtzbach kung naha­nap na nila ang perfect partner sa mga karelas­yon nila ngayon.

Ani Gerald, “Ano pa siya, journey pa siya. Bilang lalaki, ang dami ko pang gustong gawin at ma-achieve. Provider din ako (sa family niya) at ayokong ma­ging selfish. Pero sana, that’s what we hope.”

Sagot naman ni Pia, “Hindi ko pa masabi dahil marami pa rin akong gustong gawin at marami pang gustong ma-experience. With regards to my relationship with him (Marlon Stoc­kinger), maaga pa para masabing my perfect you na ang relationship namin. Hindi ko masasabi ‘yun until we get married.”

May kissing scenes sina Gerald at Pia sa pinagbibidahang pelikula na showing na simula bukas at natanong si Pia kung good kisser si Gerald, “Maga­ling po siya” na ikinangiti ng aktor at dinagdagan ang sagot ni Pia.

“Isa sa pinaka-romantic kissing scene for me ang kissing scene namin ni Pia at may kasama pang ele­ment na gusto ko.”

Hindi nag-spoiler si Gerald kung ano’ng element ang tinutukoy niya. Alamin na lang ito sa Star Cine­ma movie sa direction ni Cathy Garcia-Molina.

Max may ibinuga raw sa Citizen...

Nagalingan ang kapwa columnist naming si Alwyn Ignacio kay Max Collins na gumanap na girlfriend ni Atom Araullo sa Citizen Jake.

Sabi ng kolumnista, kung movie producer lang siya, gusto niyang bigyan ng follow-up movie si Max after Citizen Jake para hindi masayang ang momentum na ipinakita nito sa nasabing pelikula.

Nasa The One That Got Away si Max na isang light role at rom-com series na nakikipag-agawan kina Lovi Poe at Rhian Ramos kay Dennis Trillo dahil iba ang TV at movies, pero kailangan daw masundan ang Citizen Jake o kaya’y maging active sa paggawa ng pelikula si Max.

Leila ipinagmamalaki ang boses

Kabilang sa 13 members ng 2018 Star Magic Circle si Leila Alcasid, anak nina Ogie Alcasid at Michelle van Eimeren.

Sa simula pa lang ng presscon, sinabi na ni Leila na mas gusto niyang mag-focus muna sa music, pero dream niyang makasama sa movie ang dad niya.

Singing, painting/drawing, and writing daw ang talents ni Leila, but with ac­ting workshop, makakaya niyang umarte. Kailangan din mas matuto pa siyang mag-Tagalog para hindi siya nahihirapan. Hindi nito kaya ang straight Tagalog and has to switch to English in answering questions.

Inamin din ni Leila na may konting pressure sa kanya ang pagpasok sa showbiz dahil hindi maiwasang ikumpara siya sa parents. Nang matanong kung ano ang X-factor niya at mao-offer sa fans, kampante niyang sagot ay “my music”. Nag-release ng single si Leila na Completely In Love With You.

Alden tuloy ang pagpa-fasting

Nag-i-Intermittent Fasting din pala si Alden Ri­chards at ito ang isa sa mga rason sa pagpayat ng aktor. Sinasamahan din niya ng workout ang fasting at pag­hahanda niya ito sa isang gagawing project. Hindi man binanggit kung ano’ng project, alam na agad ng fans/bashers/haters ni Alden na ang tele­fantasyang Mitho ang kanyang gagawin.

May mga suggestion na sana makarating na after Mitho, sana raw ay bigyan si Alden ng mala-Cruel Intentions na material. Makakaya raw ni Alden ang mag-ala-Ryan Phillippe sa nasabing pelikula. Nasa tamang edad na nga naman si Alden to do more mature roles na maglalabas sa talento niya sa acting.

Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with