Pacman

Ayaw paawat, Pacman lalaban uli!
TAKE IT TAKE IT - Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) - March 9, 2018 - 12:00am

Confirmed na may boxing fight si Senator Manny Pacquiao sa June 24 sa Kuala Lumpur, Malaysia pero hindi pa niya sinasabi ang name ng kanyang makakalaban.

Kung ako ang tatanungin, ayoko nang lumaban si Papa Manny dahil wala na siyang kailangan na patunayan. Tama na ‘yung alam ng buong mundo na isa siya sa pinakamahusay na boksingero sa kanyang pa­nahon at hindi na puwedeng mabura sa kasaysayan ng boksing ang pangalan niya.

In all fairness to me, agree ang Pacquiao fans sa opinyon ko na magpahinga na si Papa Manny dahil he’s not getting any younger. Kahit naman huminto na siya sa kanyang favorite sport, mapaglilingkuran pa rin niya bilang senador ang mga kababayan natin. Wala nang makaka-duplicate pa sa tagumpay ni Papa Manny sa boxing ring, not in our lifetime.

Hindi bulagsak na tao si Papa Manny kaya hindi siya katulad ng ibang mga boxer na nawaldas ang kadatungan na kinita mula sa paglalaro ng boxing.

Hindi ipinagmamakaingay ni Papa Manny ang kanyang mga charity work dahil tahimik lang sila ng misis niya na si Jinkee Pacquiao. Nagugulat na lang tayo sa biglang paglabas ng mga picture ng mga bahay na ipinatayo nila para sa mga poor Pinoy.

Certified billionaire na si Papa Manny na isang tunay na self-made man. Puwede nang mamuhay ng komportable ang pamilya niya kaya hindi na kailangan pa na lumaban siya sa boxing ring. Wish ko lang, last fight na niya ang haharapin na laban sa June 24 at sana, manalo uli siya then mag-retire na ang Pambansang Kamao sa paglalaro ng boxing.

Bong pasasalamat ang birthday message sa ama

Nagluluksa ang entertainment industry sa pagpanaw ng aktor na si Bernardo Bernardo. Kung may nawala kahapon, may nagdiwang naman ng kaarawan at ito ay si former Senator Ramon Revilla, Sr.

Kahapon ang 91st birthday ni Mang Ramon kaya nagkatipun-tipon uli ang mga anak niya. May special birthday message kay Mang Ramon ang kanyang anak na si Bong Revilla, Jr. na sinundan ang yapak niya sa mundo ng showbiz at pulitika.

“Laging mayroong iilang napakahalagang tao sa ating mga buhay kung kanino natin utang ang ating pagkatao - ang ating tagumpay. These are the people who made such huge impacts in our lives, and had it not for them, we would not turn out to be who we are. Ito nga ang nag-iisang lalaki sa aking buhay kung kanino ko utang ang lahat – ang aking ama, Ramon Revilla, Sr.

“Utang ko ang pagiging Bong Revilla – Ramon Revilla, Jr. – sa iyo. Sa pagdi­riwang mo ng iyong ika-91 kaarawan Daddy, nagpapasalamat ako for being the best father I could have ever had.

“Ang iyong tapang, katatagan, at katibayan ng dibdib ang aking sandigan para maging matapang, matatag at matibay bilang isang asawa, ama, at lingkod-bayan, lalo sa aking pinagdaraanan.

“Ang iyong pagmamahal ang siya rin namang inspirasyon ko para sa pagkilala at pagmamalasakit sa lahat. I love you Daddy! Happy happy birthday! I wish for you good health and an even longer life for us to spend together,” ang birthday message ni Bong para sa kanyang iniidolo na ama.

Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with