^

PSN Showbiz

Liza hindi type si Joshua para kay Julia?!

SANGA-SANGANDILA - Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon
Liza hindi type si Joshua para kay Julia?!

Liza

Magkakaibigan sina Julia Barretto, Janella Salvador at Liza Soberano at hindi maiiwasan na pagmalasakitan nila ang isa’t isa na parang magkakapatid. Ang malasakit nilang ito ay umaabot sa kanilang pamilya at katrabaho.

Sa isang interview, sinabi ni Liza na pagbibigyan o reciprocated niya ang wish ng ka-partner niyang si Enrique Gil para sa birthday nito na mahalin niya ito forever at huwag iiwan na ikinatutuwa ng kanilang fans at supporters. Bukod sa kanilang imme­diate family nagawa nang makilala ng dalawa ang iba pang miyembro ng kanilang pamilya.

Hindi naman maiwasan na matanong si Liza tungkol sa relasyon niya kina Janella at Julia at maging sa mga ka-loveteam nila. Kung kay Elmo Magalona ay walang maipayo ang sinasabing isa sa pinakamagandang babae sa mundo dahil smooth ang samahan nila ni Janella, kay Joshua Garcia ay may hiling si Liza. Ito ay huwag itong maging masyadong mahigpit at istrikto kay Julia.

Ini-enjoy lang daw ni Julia ang kanyang kabataan at ang kasikatan sa kanilang trabaho. Bilang magkakaibigan ay never silang lalampas sa itinatakda ng kaganda­hang asal.

BaganI mabilis umingay!

Alam mo na may magandang ibinabadya ang bagong serye na Bagani ng ABS-CBN dahil agad ay may mga katutubo tayong nag-react na baka hindi ito makabuti sa mga nakalakihan nilang kultura at tradisyon. Pero, nakinig naman sila sa paliwanag na hindi kinakatawan ng serye ang isang partikular na grupo ng mga katutubo at kung may pagkakapareho man na makikita ang mga manonood, ito ay nagkataon lamang, Ginastusan talaga ang ma­aksyong serye na nagpapa­malas naman ng naiibang panoorin.

Sharon masyadong hopia kay Gabby

Ano kaya ang reaksyon ni Sen. Kiko Pangilinan sa mga recent interview kay Sharon Cuneta? Obvious na hindi pa tuluyang naka-recover si Mega sa kinahinatnan ng naging relasyon nila ni Gabby Concepcion kung kaya nasasaktan pa ito sa hindi pagkakatuloy ng kanilang reunion project na akala ng marami ay makakasapat ang TVc na ginawa nila para sa McDo pero, hindi pala, lalo lang itong nakadagdag sa pagkauhaw ng fans nila sa kanilang muling pagsasama sa trabaho.

Pero, mukhang kabiguan na naman ang matatanggap ng naghihintay na aktres dahil tila may problema na naman sa aktor.

Dapat siguro ay huwag nang umasa pa si Mega para hindi ganun ang sakit kapag hindi na naman sila matuloy.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with