Liza Soberano kay Joshua Garcia: 'Wag masyadong istrikto
Jacob Molina (Pilipino Star Ngayon) - March 6, 2018 - 3:56pm

MANILA, Philippines — Ibinahagi ni Liza Soberano nitong Lunes ang matagal niya nang pakikipagkaibigan kay Julia Barreto at Janella Salvador.

Sinabi ni Liza, sa kaniyang panayam sa Tonight With Boy Abunda, na nananatili silang matalik na magkakaibigan magmula pa noong sila’y ipinakilala bilang mga Star Magic artists noong 2013.

“We are very good friends. We tell each other secrets, you know what friends do in real life,” wika ni Liza.

Nagbigay din si Liza sa mga kaibigan ng payo tungkol sa pag-ibig.

Sinabi ni Liza na dapat mas mahalin ni Janella ang kanyang sarili bago ang iba.

Napapabalitang idene-date ni Janella ang kanyang ka-love team na si Elmo Magalona.

 

A post shared by Liza Soberano (@lizasoberano) on

"She should love herself. Dapat kompletuhin niya muna 'yung sarili niya. She should make herself whole before she loves somebody," wika ni Liza.

Nang matanong naman kung ano ang kanyang masasabi para kay Julia, ibinigay na lang ni Liza ang kanyang payo para sa usap-usapang boyfriend ng kaibigan na si Joshua Garcia.

 

A post shared by Liza Soberano (@lizasoberano) on

 “Actually kay Joshua dapat yung payo ko. Huwag masyadong strikto,” sambit ng aktres.

”I like Joshua. Whoever she's happy with, I'm happy,” dagdag niya.

Samantala, umamin din si Liza na mayroon din siyang dapat patunayan para sa kanyang sarili.

Nais ni Liza na makikilala din bukod sa kanyang magandang mukha.

Dagdag ng 20-anyos na aktres na nagsusumikap siya upang patunayan sa mga taong hindi naniniwala sa kanya na mayroon siyang ibubuga bukod sa kanyang itsura.

"People always say I'm just a beautiful face. So immediately I knew what I wanted. I wanted to be recognized for more than that. Maybe it could be my talent, maybe it could be my heart, but what I want in life is to make a name for myself and to represent what I'm really about," pahayag ni Liza.

"Through that, I have to work hard, like in my teleserye and my movies. I have to work hard to show people that I'm more than just what they see physically that I am talented and that I care. I have empathy for people because eventually the beauty will go away. I will age. I won't look the same as I do now,” pagpapatuloy niya.

Sa huli, binigyang-diin ni Liza na bukod sa kanya mukha ay mas gusto niyang maalala ng mga tao dahil sa legasiya na kanyang maiiwan.

 

STAR MAGIC
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with