Inatake umano si Baron Geisler ng ilan niyang kaanak sa kanyang bahay sa Angeles City sa Pampanga.
Screengrab mula sa Instagram/Baron Geisler
Baron Geisler binugbog umano ng ilang kaanak
Jacob Molina (Pilipino Star Ngayon) - March 3, 2018 - 5:14pm

MANILA, Philippines — Ipinakita ni Baron Geisler ang sugatan niyang mukha matapos umanong mabugbog at makipagbuno sa ilan niyang kamag-anak.

Inatake umano si Baron ng ilan niyang kaanak sa kanyang bahay sa Angeles City sa Pampanga.

“What to do? Break in and bugbug by family,” wika ng aktor sa isang Instragram post.

Mababakas din sa post ni Baron na posibleng pera ang ugat ng gulo.

“Wow. Still forgive them. Pera pera pag alana si mama,” dagdag niya.

Sa isa pang post, ipinakita ni Baron ang request form mula sa Angeles City Police Office na humihiling sa isang physical examination para sa aktor dahil na rin sa insidente.

 

Michael Robinstone Morales

A post shared by Baron Geisler (@barongeisler) on

 

Makikita din sa caption ng litrato ang pangalan ng kanyang bayaw na si Michael Robinstone Morales.

Matapos ang gamutan, binanggit ni Baron si Morales, ang kanyang kapatid na si Grace Geisler, at si Ana Pineda-Geisler at sinabing: “Ito, maraming stitches sa mukha ko. Maraming salamat.”

Ipinakita din ng aktor ang nasirang award trophy at mga gasgas sa kanyang sasakyan.

“’Yan ang magkakapatid no? Nagmamahalan talaga,” wika ni Baron na animo’y tunog sarkastiko.

ACTOR BARON GEISLER
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with