^

PSN Showbiz

Gabby nag-back out na naman sa pelikula nila ni Sharon!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon
Gabby nag-back out na naman sa pelikula nila ni Sharon!

SHAGAB

May mga nalungkot at nawalan ng pag-asa na matutuloy this year ang reunion movie nina Gabby Concepcion at Sharon Cuneta dahil sa ipinost na picture ng aktor sa Instagram (IG) kasama sina GMA executives Annette Gozon at Joey Abacan. Kasama rin ni Gabby ang manager niyang si Popoy Caritativo.

Kasama sa pinag-usapan ng grupo ang possible future projects ng aktor sa Kapuso network pagkatapos ng Ika-6 Na Utos na magtatapos na.

May nag-comment na kung ayaw ni Gabby na makatrabaho si Sharon, sabihin niya nang diretso para hindi na sila umasa. Si Sharon lang daw ang nag-i-effort na matuloy ang reunion movie nila.

Samantala, umakyat na naman sa 10 percent ang rating ng Ika-6 Na Utos habang papalapit ang pagtatapos nito. Kaya muling nagpasalamat si Gabby sa viewers.

Ryan iningles-ingles ang basher

Mabuti at na-delete na ni Ryan Agoncillo ang pamba-bash sa kanya ng ilang fans dahil nakakasira sa positive flow ng kanyang socmed account. Nakakagulat lang dahil ang iba niyang bashers, fans pa ng asawang si Judy Ann Santos na hanggang ngayon ay hindi pa rin matanggap na si Ryan ang pinakasalan ng aktres. May ibang bet na actor kay Judy Ann ang bashers, kaloka!

Hindi nakapagpigil si Ryan at sinagot ang mga grabeng bashing sa kanya, kaya lang in English.

Galing pala sa Amanpulo sina Ryan at Judy Ann sa event ng Omega, kaya sorry sa bashers dahil kahit ano’ng galit nila ay masaya pa rin ang mag-asawa.

Samantala, bukod kay John Estrada, nabalitang kasama rin si Ryan sa teleserye ni Alden Richards.

Jason tinitipid ang GF

Aliw ang kuwento ni Jason Abalos nang makausap namin sa taping ng The One That Got Away na sa halip na bumili ang GF niyang si Vickie Rushton ng vanity mirror na aabot sa P8,000, nag-DIY na lang siya at gumastos lang ng P3,000.

“Naawa ako kay Vickie dahil ‘pag nagmi-make-up, ilaw ng cellphone lang ang gamit, kaya, gumawa ako ng vani­ty mirror at mura pa. Tuwang-tuwa si Vickie at sinabi ko sa kanyang ginawa ko ‘yun na may kasamang love. Alam niyang nagtipid ako, pero sa food, hindi kami nagtitipid,” bawi ni Jason.

Neil Ryan na-achieve ang bilin ni direk Maryo

Tiyak na may bagong manager na si Neil Ryan Sese na isa sa mga bida sa Ang Fo­rever Ko’y Ikaw matapos pumanaw si director Maryo J. Delos Reyes.

Sabi raw sa kanya ni direk, sa bago niyang project ay kailangang gwapo at macho siya. Ang sagot niya, kaya niyang gawan ng paraan ang maging macho, pero ang ma­ging guwapo ay alanganin siya.

Pero sa photos sa pictorial, achieve ang pagpapagwapo ni Neil at swak siyang leading man ni Camille Prats sa bagong show ng GMA.

Sa March 12, ang pilot ng Ang Forever Ko’y Ikaw bago ang Eat Bulaga.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with