^

PSN Showbiz

Anne aligaga sa pagtakbo sa London marathon! ; Mark iniiwasan NA ang matataong lugar

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon
Anne aligaga sa pagtakbo  sa London marathon!   ; Mark iniiwasan NA  ang matataong lugar

SEEN: Dinaanan lang ng TV camera sina Mark Neumann, Khalil Ramos, Denise Laurel, Garie Concepcion at ang ibang cast members ng La Luna Sangre sa farewell guesting nila kahapon sa ASAP.

SCENE: Ngayon ang huling Lunes sa telebisyon ng La Luna Sangre dahil magwawakas ito sa March 2. Nagkamali lang si Daniel Padilla sa sinabi nito na dalawang linggo pa na mapapanood ang primetime television series nila sa ABS-CBN.

SEEN: Super flop ang 32nd anniversary celebration kahapon ng EDSA revolution kaya lalong lumakas ang panawagan na ihinto na ang paggunita sa 1986 bloodless revolution dahil tuluyan nang nawala ang diwa nito.

SCENE: Pre-taped ang episode kahapon ng Sunday PinaSaya dahil may taping si Barbie Forteza para sa Inday Will Always Love You sa Santa Fe, Bantayan island, Cebu pero napanood siya sa Sunday variety show ng GMA 7.

SEEN: Pinaghahandaan ni Anne Curtis ang pagsali sa London Marathon na magaganap sa April 22, 2018. Sumali si Anne sa New York Marathon noong November 2016.

SCENE: Si Polo Ravales ang love interest ni Paolo Ballesteros sa Amnesia Love ng Viva Films. Dati nang gumaganap na bading sa mga pelikula si Polo.

SEEN: Pinipili ni Mark Bautista ang mga lugar na pinupuntahan mula nang i-release sa bookstore ang Beyond The Mark. Iniiwasan ni Mark ang mga lugar na maraming mga tao.

SCENE: Balik-Pilipinas ang popular American singer na si John Le­gend sa March 21 dahil sa kanyang Darkness and Light concert sa Smart Araneta Coliseum.

SEEN: Nakakatikim ng mga batikos mula sa narrow-minded fans ni Maine Mendoza ang lahat ng mga tao na may kaugnayan sa kanya, kahit pabor sa dalaga ang mga sinasabi nila.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with