^

PSN Showbiz

Sharon namakyaw ng mga kanta ni Julie Anne

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon
Sharon namakyaw ng mga kanta ni Julie Anne

“Im in awe...thank you Ms. Sharon, fangirl po ako hehehe,” ang pasasalamat ni Julie Anne San Jose kay Sharon Cune­ta sa ipinarating nitong paghanga sa dalaga through Iris Dizon na sumulat ng article sa singer-actress na lumabas sa Supreme ng The Philippine Star last Sa­turday.

Sabi ni Sharon: “Iris our dawter, please tell your dear Julie Anne San Jose that I have seen her only once on tv (it was something like a restaurant visit she made with others), saw how beautiful she is on her concert billboard on my way from Alabang to Makati, and heard her duet with Jimmy by accident. I was impressed. And the minute I got the answer to “sino yung girl?” And arrived home and if it wasn’t on that same evening, it took just a couple of days for me to buy her songs on iTunes. I am glad to have read your article on her. It always makes my heart smile when I find out that a heart matches the pretty face that owns it.”

May kasunod pang post si Sharon na ipinakita ang list ng songs ni Julie Anne sa kanyang laptop na binili yata sa iTunes. “My laptop. Her songs in my library. Nd why am I explaining them to you of course you know what these are. Hahaha!”

Speaking of Julie Anne, busy pa rin ito sa pagpu-promote ng single ­niyang Nothing Left at tuwang-tuwa tiyak ang Universal Records sa kanya dahil sa sipag mag-promote. From radio shows to TV guestings at mall shows at kung saan siya naka-sche­dule, dumarating.

Also, may mga international You­tuber na duma­ting sa bansa para ma-interview si Julie Anne. Suki na nilang i-rate ang songs ni Julie Anne at hindi sila na-disappoint sa latest single ng singer-actress.

Mike kakulitan pa rin sina Gabby at Marco

Tuwang-tuwa si Mike Tan dahil kahit matagal na siyang wala sa Ika-6 Na Utos dahil pinatay na ang kanyang karakter, ibinibilang pa rin siyang part ng hit Afternoon Prime ng GMA 7. May video call kay Mike sina Gabby Concepcion, Marco Alcaraz habang nasa taping ang dalawa.

Nami-miss ni Mike ang mga nakasama sa soap, pero masaya na rin siya dahil pinatay man ang karakter niya rito, ang kapalit naman ay lead role sa isa pang afternoon soap, ang Hindi Ko Kayang Iwan Ka na magpa-pilot this Monday, 4:15 pm., sa direction ni Neal del Rosario.

Inamin ni Mike na kinabahan siya nang mawala sa Ika-6 Na Utos dahil baka abutin ng six months bago siya magkaroon uli ng new soap. Kaya laking tuwa nito nang malamang sila ni Yasmien Kurdi ang napi­ling magbida sa Hindi Ko Kayang Iwan Ka na tungkol sa HIV at AIDS.

Ruru puntirya si Kelley

Huwag sanang malaman ng ibang selosang fans nina Ruru Madrid at Gabbi Garcia na nila-like ng binata ang Instagram (IG) account ni Kelley Day at baka ito naman ang sugurin at awayin ng ibang selosang GabRu fans. Inaaway kasi ng ilang GabRu fans si Maureen Wroblewitz mula nang malamang crush siya ni Ruru at nila-like ang posts.

Nabasa namin ang pangalan ni Ruru na kabilang sa mga nagla-like ng posts ni Kelley sa IG at malaki ang chance na makita at ma­kilala niya si Kelley dahil nasa GMA-7 na rin ito. Kasama na si Kelley sa cast ng The One That Got Away at siya ang bagong love interest ni Migo Adecer.

Si Ruru naman ay bi­da sa Sherlock, Jr., pe­ro may chance pa rin silang magtambal ni Kelley sa ibang shows ng network. Puwede ring i-request ni Ruru na i-guest si Kelley sa Sunday PinaSaya habang wala pa si Gabbi Garcia na nag-leave of absence muna. Sumasayaw si Kelley, kaya swak siya sa SPS.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with