^
Alden ipa-partner sa thai actress!

Alden at Mario

Alden ipa-partner sa thai actress!

SHOW-MY - Salve Asis (Pilipino Star Ngayon) - February 25, 2018 - 12:00am

Nakahanap na ng solution ang GMA 7 sa fans nina Alden Richards and Maine Mendoza na walang ginawa kundi giyerahin ang network everytime na mababalitang itatambal sila sa iba.

Ang naisip ng GMA ayon sa isang source, kumuha ng Thai actress na magiging leading lady ng Kapuso actor na obvious na inihihiwalay na kay Maine.

Bukod sa Thai actress na unidentified pa ng source, isasama rin ng GMA at ang Thai actor na si Mario Maurer. Magiging partner daw ng GMA ang JKN Global Media na ang owner ay isang Thai gay billionaire na sabi ng isang friend namin ay kamukha ni Kris Aquino.

Dahil sa naisip ng GMA, siguro naman hindi na magre-react ang fans nila.

Wala pang ibinibigay na concept ang GMA pero may green light na raw ito.

The Significant Other pinag-uusapan ang hulihan

As of Friday, Feb. 23, tumatabo sa takilya ang The Significant Other movie nina Lovi Poe, Tom Rodriguez, at Erich Gonzales at may box-office gross na itong close to 10 million pesos.

Ang first day gross nitong 4.3 million ay proof na gusto ng mga manonood ang kuwento ng bagong triangle ng mga bida na pinag-uusapan nga dahil sa tapang at lakas ng loob nilang maging daring sa kissing and bed scenes nila.

Pinag-uusapan din ang mga maaapoy na sagutan nina Erich at Lovi na pinag-aagawan si Tom, habang marami rin ang halos “maihi” sa eksenang hinuhuli ni Lovi si Tom matapos itong makipagtagpo sa kabit na si Erich.

Marami pang mga eksenang nakakakiliti at nakakaintriga, pero sabi nga nila swak sa panlasa ng Pinoy ang mga tagpong “nagtataguan” ang mga bida.

“Iba ang atake at ginawang approach ni direk Joel (Lamangan). Kahit gasgas nang u­sapin ang mga kabit sa pelikula, hindi ito ‘yung tipong huhusgahan o lalaitin o igu-glorify mo ang kabit o asawa, dahil may anggulo ritong biktima silang lahat. Very relatable at Pinoy na Pinoy din ang mga ganap at mabubusog ka sa lutong ng hugot lines,” ang general remarks ng mga nakapanood na.

Showing pa rin ito sa mga sinehan sa buong bansa. Ang The Significant Other ay produced by CineKo Productions at distributed by Star Cinema.

ALDEN RICHARDS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with