^

PSN Showbiz

Magaling na aktres umaalingasaw ang bad breath sa kaka-pills!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Tuwing nakikita ng aming source ang isang napakagaling umarteng aktres ay meron itong naaalala. Ayaw mawala sa kanyang isip ang kuwento ng isang aktor na nakaeksena niya sa isang madramang tagpo sa isang serye.

Ang eksena ay 50-50 ang aktor, dumating ang aktres sa ospital, niyakap niya ang kanyang kaeksena at saka siya naglitanya nang naglitanya habang humahagulgol.

Kuwento ng aming impormante, “Mahaba ang eksenang ‘yun! Malapit na talagang maging totoo ang eksena dahil literal na hindi humihinga si ____(pangalan ng aktor) sa scene na ‘yun!

“Kasi nga, e, sobrang baho raw ng hininga nu’ng girl! Sobrang baho na kung sa totoong buhay nangyari ang pagyakap sa kanya ng girl, e, baka mamatay talaga siya!

“Sabi raw ni direk, e, may uulitin pa sa eksena, kailangan daw ng mga shots para idagdag sa scene na ginawa nila ng girl. Nagmatigas na raw siya, sinabi niya sa isang staff na tama na, please!

“Pero baka raw sabihin ni direk na nag-iinarte siya, kaya pinuntahan niya si direk, inamin na niya ang totoo na sobrang bantot ng hininga ng kaeksena niya! Wala raw nagawa si direk kundi ang humalakhak na lang nang humalakhak!” kuwento ng aming source.

Hindi lang naman ang male personality na ‘yun ang nagpapatunay na sobrang baho ng hininga ng female personality na ang galing-galing pa namang umarte, maraming-marami, talagang pinagpipistahan ang bad breath niya.

“Ang dami-dami namang spray na nabibili ngayon, bakit hindi muna siya mag-spray ng bibig niya bago siya sumalang sa isang eksena? Buo naman ang mga ngipin niya, wala naman siyang tooth decay, pero napakahilig pala kasi niyang uminom ng mga slimming pills!

“Ayun, sa kaiinom niya, e, naaapektuhan na ang bituka niya, bumabaho ang hininga niya, na sa totoo lang naman kasi, e, sobrang bantot talaga! Marami pa naman siyang dialogues sa mga eksena niya, sumisigaw-sigaw pa siyang madalas, kaya maaamoy talaga ng kaeksena niya ang mabaho niyang hininga!

“May nakapagsabi na sa kanya nu’n, hindi nga lang nagpakilala sa text, pinayuhan na siyang magmumog ng mouthwash bago sumalang, pero parang hindi niya naman ‘yun pinaniwalaan.

“Sinisiraan lang daw siya, naiinggit lang daw sa kanya ‘yung nag-text, sabi niya. Nakakalokah siya, ha? Ang galing-galing pa naman niyang umarte, pero ang amoy ng hininga niya is not good!” pagtatapos ng aming impormante.

Ubos!

Tsugian nina Tom at Erich sa kotse hindi bastusin

Masuwerte ang Cineko Productions, nakalusot ang The Significant Other, at siguradong mas lalakas pa ngayong weekend ang pelikulang pinagbibidahan nina Erich Gonzales, Tom Rodriguez, at Lovi Poe.

At hindi lang ‘yun. Pinagpipistahan din sa social media ang mga pagbabatuhan ng hugot lines nina Lovi at Erich sa pelikula. Salamin naman kasi ng lipunan ang daloy ng kuwento ng pelikula.

Totoong-totoo, nagaganap sa tunay na buhay, nakikita ng ibang manonood ang kanilang mga sarili sa papel na ginagampanan ng dalawang aktres sa The Significant Other.

Napanood na ng mga kaibigan namin ang pelikula, gandang-ganda sila sa direction at cinematography, hindi raw nagmukhang bastos ang love scene nina Tom at Erich sa loob ng kotse dahil sa ganda ng view ng kapaligiran na ginamitan pa ng drone ni Direk Joel Lamangan.

“Hindi siya bastos, sensual, ‘yun ang dapat itawag sa eksena nila sa white car. Alam mong hindi tinipid ang movie, ramdam na ramdam mo ang eksena pero ididilat mo ang eyes mo sa panonood, hindi mo ‘yun pipikitan dahil nababastusan ka,” komento ng kaibigan naming propesor.

Mas gaganahan pang mag-produce ngayon ng mga makabuluhang pelikula ang Cineko Productions kapag ganyan na pinupuri na ang kanilang proyekto ay maganda pa ang rehistro sa box-office.

Sabi naman ng isang nakausap namin, “It’s about time na bumalik na ang mga pelikulang hindi minamadali, ‘yung may respeto sa moviegoers. Ima­gine, gaano katinding traffic muna ang bubunuin mo ngayon bago ka makara­ting sa sinehan?

“Matinding effort ang kailangan, isang reason ang hayup na traffic na ‘yan kaya apektado ang lahat ng negosyo ngayon!” reklamo ng aming kakuwentuhan.

Nagkaroon ng magandang ani ang matinding pagtutok ng mga prodyuser ng Cineko sa kanilang pelikula. Ngayon pa lang ay nakaplano na ang mga susunod pa nilang proyekto.

Maligayang bati kay Mayor Enrico Roque at sa kanyang mga kapwa producers sa tagumpay ng The Significant Other!

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with