^

PSN Showbiz

Mocha Uson binanatan ni Ed Lingao

SANGA-SANGANDILA - Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon
Mocha Uson binanatan ni Ed Lingao

Mocha

Marami sa sumama sa EDSA Revo­lution at tumulong sa pagbabalik ng demokrasya sa bansa ang na-turn off sa mga kadramahan ni PCOO  Asec Mocha Uson sa mga naging kaganapan sa EDSA Revolution 32 years ago. Ani­bersaryo ngayon ng EDSA Revolution, marami ang nagbuwis ng buhay para makamtan natin muli ang demokrasya at hindi ito naging madali kaya huwag nating babastusin.

Mabuti na lamang at may isang Ed Lingao na naglagay kay Asec Mocha sa tama niyang kalalagyan sa Facebook account nito. Sinabihan pa siya nito na siyang nagdadrama sa kanyang mga pinaggagagawa na ipinamamalas pa niya sa publiko.

Awwwww, sakit naman!

Dahil sa ginawa kay Robin, Aljur mas gaganda ang karera

Marami ang humanga sa ginawang pagpapakumbaba ni Aljur Abrenica kay Robin Padilla nang magpasya itong harapin na ang ama ni Kylie Padilla para ma-settle na ang isyung hadlang sa pagitan nila ng action star at sa pagitan ng mga pamilya nilang Padilla at Abrenica.

“Sana ay noon ko pa ginawa ito. Masarap pala ang feeling na makita kong masayang-masaya si Kylie. Pero kasi takot na takot ako  noon na baka tanggihan ako ni Tito Robin. Pero sa ginawa niyang pagtanggap sa amin, mas humanga pa ako sa kanya (Robin),” kuwento ni Aljur kay King of Talk Boy Abunda.

Sa naging kaganapan ng pamamanhikan, naniniwala ang lahat na mas gaganda pa ang karera ni Aljur sa bago niyang bahay sa ABS-CBN.

Kamalditahan ni Ryza apektado si JC

Marami ang naniniwala na nakaapekto nang malaki sa box-office ng pelikulang pinagbidahan ni Ryza Cenon na Mr. & Mrs. Cruz ang napakasalbahe niyang role sa TV series na Ika-6 Na Utos.

Baka kung pinalampas muna ng nagprod­yus ng movie nila ni JC Santos ang ilang panahon para tuluyang makalimutan ng manonood ang kanyang kasalbahehan sa TV ay baka mas pumatok pa ang Mr. & Mrs. Cruz.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with