^

PSN Showbiz

Rare US concert ni Jose Mari Chan ubos agad ang ticket!

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon
Rare US concert ni Jose Mari Chan   ubos agad ang ticket!

Ipinarating sa amin ng New York-based concert producer na si Joji Reye-Babuschak na sold-out umano ang February 24, 2018, 8 p.m. concert ng Filipino music  icon na si Jose Mari Chan na gaganapin sa Sheraton Laguardia East Hotel in New York City, USA.

Ang pinamagatang Jose Mari Chan: Mr. Songwriter, ay isa umano sa rare concerts and appearances ni Jose Mari sa New York kung saan siya may strong following among the Filipino community at mga karatig na lugar including New Jersey.

Magiging special guests ni Jose Mari sa kanyang rare concert ang ilang New York-based Filipina singers and performers  tulad nina Jenn Cuneta, Cutuy Herrero, at Christine Morales.  Si Bobby Ramiro naman ang tatayong musical director sa concert.

Quartet na BGT  winners excited makatikim ng pagkaing Pinoy

Nasa bansa na ang 2014 winners ng Bri­tain’s Got Talent, ang four-member group na Collabro na nakatakdang magtanghal sa Newport Performing Arts Theatre sa Resorts World Manila on February 26, 2018 at 8 p.m.

Ang quartet na binubuo nina Jamie Lambert, Michael Auger, Matt Pagan, at Tom Redgrave  ay excited sa kanilang kauna-unahang Manila concert at ma-experience ang warm hospitality ng mga Pinoy (that we are known for) at matikman ang mga Filipino food.

Bago ang kanilang live concert on Monday sa Resorts World  Manila, nakatakda ring mag-ikot sa iba’t ibang programa  sa radio at telebisyon ng ABS-CBN ang grupo.

JM wala nang third chance kay Jessy

Naging matagumpay sa takilya ang indie movie na That Thing Called Tadhana na tinampukan nina Angelica Panganiban at JM de Guzman at idinirek ni Antoinette Jadaone noong 2014.  May lumulutang na balita na posible umano na magkaroon ng part 2 ang nasabing pelikula na pangu­ngunahan pa rin nina Angelica at ang nagbabalik (for the third time) na si JM.

Masuwerte si JM dahil sa ikatlong pagkakataon ay muli siyang binigyan ng panibagong break ng ABS-CBN kung saan ay nakapagsimula na siyang magta­ping  ng bagong serye, ang Precious Hearts Romances: Araw Gabi

Although nagkaroon siya ng second chance sa kanyang ex-girlfriend na si Jessy Mendiola, mukhang malabo nang magkaroon sila ng third chance ni Jessy dahil may Luis Manzano na ngayon ang kanyang da­ting kasintahan.

Kasal ni Rachelle Ann sa ‘Pinas gaganapin

Maituturing nang isa sa West-End theater stars ang Filipina singer-actress na si Rachelle Ann Go  matapos nitong gampanan ang papel ng bar girl na si Gigi van Tranh sa West-End revival ng hit musical na Miss Saigon. Nagbida rin si Rachelle Ann sa re-run ng Les Miserables sa West-End kung saan siya naroon ngayon para naman sa West-Run run ng hip-hop musical na Hamilton.

Ang Hamilton ay kamakailan lamang pinanood  sa Victoria Palace Theatre  in London ng soon-to-be royal couple na sina Prince Harry at American actress na si Meghan Markle kaya tuwang-tuwa at honored umano ang bumubuo ng cast at production ng nasabing musical including Rachelle Ann.

Engaged na si Rachelle Ann sa kanyang New York-based  American fiancé na si Martin Spies.

May suspetsa ako Salve A. na ang wedding nina Rachelle Ann at Martin will take place in the Philippines sa taong ito pagkatapos lamang ng West-End run ng Hamilton. Maaari rin magkaroon ng civil wedding sa  US or London ang dalawa pero ang kanilang church wedding ay maaaring ganapin sa Pilipinas.

Julian-Ella loveteam buhay pa rin

Masuwerte ang magka-loveteam na Ella Cruz at Julian Trono dahil pagkatapos ng kanilang launching movie as a team under Viva Films, ang Fangirl/Fanboy ay muli silang pinagsama sa upcoming youth-oriented movie na Squad Goals #FBOIS pero hindi ang loveteam ng dalawa ang sentro ng pelikula kung hindi ang barkadahan nina Julian, Vitto Marquez, Andrew Muhlach, Jack Red, at Dan Hushcka bilang leads ng pelikula na idinirek ni Mark Meily.

Ganunpaman, matutuwa pa rin ang fans nina Ella at Julian dahil silang dalawa pa rin ang magkapareha sa Squad Goals#FBOIS.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with