^

PSN Showbiz

Juday parang hindi malaking artista kung umasta! ; Wholesome ang imahe, Kathryn ginawang ambassador ng Girl Scout

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon
Juday parang hindi malaking artista kung umasta! ; Wholesome ang imahe, Kathryn  ginawang ambassador ng Girl Scout

PIK: Inaasahan ang pagdagsa ng napakaraming tao sa Aseana City sa Parañaque ngayong araw dahil sa gaganaping Rakrakan Festival 2018: Pinoy Muna. 120 artists, anim na stages sa loob ng isang malaking event ang pagtitipon ng rock stars kagaya nina Ely Buendia, Gloc 9, Side A, Freestyle, Brownman Revival at marami pang iba.

Excited ang rock artists sa taunang event dahil dito lang daw sila nagkikita-kita at nagsasama para ipakita ang kanilang talent. Bukod sa kantahan, me­ron pang ibang activities gaya ng skateboarding, tastier food selections, merchandise bazaar, henna, face painting, tattoo exhibits, carnival rides and games.        

Noong nakaraang taon ay si PNP Chief Gen. Bato dela Rosa ang special guest nila kung saan kumanta siya. Ngayong taon kaya sino’ng kilalang personality o pulitiko ang type makisakay sa mala­king event na ito?

PAK: Proud na proud ang fans ni Kathryn Bernardo sa pagkakapili sa Kapamilya young actress bilang Ambassador ng Girl Scout of the Philippines.

Pormal siyang inilunsad sa Public Library ng Quezon City Hall noong nakaraang Huwebes, February 22 ng umaga. Sinamahan si Kathryn ng pamilya at supporters.

Sabi ng isang kaibigan niyang nagpadala sa amin ng mga litratong kuha sa launching, “Kinuha si Kathryn bilang Ambassador ng GSP dahil sa wholesome image niya, kabaitan, at pagtulong sa kapwa.

“Tuwang-tuwa ang officers and directors ng GSP sa kabaitan ni Kath po. Pinagkaguluhan siya at maayos niyang pinagbigyan ang mga gustong magpa-picture with her.”

Malaking achievement daw ito para kay Kathryn at challenge na rin dahil sa bagong responsibilidad na ipinagkatiwala sa kanya.

BOOM: Puring-puri ni direk Brillante Mendoza si Judy Ann Santos na bida sa pelikula niyang Bayang Magiliw. Tinatapos na nila ang principal photography at kung hindi kami nagkakamali, balak isali ito ni direk Brillante sa Cannes International Film Festival.

First time niyang makatrabaho ang aktres at gustung-gusto niya ito dahil hindi raw pa-star, kahit big star siya.

Sabi ni direk Brillante, “Napakasaya ng colla­boration namin. I’m sure, siya masayang-masaya rin, kasi sobrang involved siya sa production.

 “Parang ngang hindi siya major actor. Para siyang katulad lang namin na…alam mo ‘yun?”

Kaya natutuwa raw siya dahil naging magkaibigan na sila ni Judy Ann pagkatapos nilang i-shoot ang pelikulang ito.   

Bukod kina Jaclyn Jose, Cherry Pie Picache, at Eugene Domingo, si Judy Ann na raw ang dagdag sa close friends niya.

Si direk Brillante ang festival director ng Sinag Maynila Film Festival na nasa ika-apat na taon na at may temang “Sine Lokal, Pang-internasyonal.”

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with