^

PSN Showbiz

Korina umamin sa mga ipinagawa!

Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Korina umamin sa mga ipinagawa!

Korina

MANILA, Philippines — Dahil sa well-defined na changes sa kanyang mukha at katawan kung saan nagmukhang mas bata at tumingkad ang ganda, na­ging suki ng headlines si Ms. Korina Sanchez lately.

Nagsimula ngang pag-usapan si Ms. Korina sa kasal nina Dra. Vicki Belo and Dr. Hayden Kho, Jr. sa Paris. Gandang-ganda sila sa new look ng broadcast journalist sa mga kumalat niyang photos sa social at print media.

At mas na-confirm nila ang bagong ganda niya sa isang bonggang billboard sa EDSA para sa Belo Thermage at doon na mas pinag-usapan si Ms. Korina.

Dudang-duda sila at hindi makapaniwala sa kanyang transformation. Kahit umano ang mga kaibigan ng host ng Rated K ay kailangan pang i-check na mabuti kung siya nga ba ang nasa nasabing billboard.

Kaya hindi na siya nakatiis. Si Ms. Koring na mismo ang lumantad at ipinakita talaga na she is real.

Ayon kay Dr. Vicki Belo, Korina’s personal friend and proponent of Belo Medical Group (BMG), ang pagiging mukhang bata ni Korina ay dahil sa ‘beautiful choices that the broadcast journalist has made in this season of her life.’

Ini-encourage ni Mrs. Mar Roxas, ang lahat ng kababaihan na ganundin ang gawin at tularan siya na merong choice para maging maganda.

 On and off camera, sa totoo lang Korina is a woman who knows how to balance her high profile life. Ang demands ng profession bilang broadcast   journalist at pagi­ging misis ni ex-Senator Mar na kung tutuusin ay mahirap gawin. Pero tingnan n’yo naman si Korina ngayon - gorgeous, youthful and fabulous.

At ang sikreto niya sa mas banat, at mas batang skin, ang Belo Triptique na umano’y unique combination ng treatments upang magkaroon ng banat at contoured skin; BeloThermage, isang non-invasive procedure that delivers tighter skin, renewed facial contours and healthier collagen ideal for women 35 years old and up o sa sinuman na gustong maging fresh looking na walang downtime; EPT or embedded protein threads to lift and contour skin; and the newest Belo Vita, na isang unique delivery system which uses hyaluronic acid, glutathione and PDRN (polydeoxiribonucleotide) for a hydrated, more youthful looking skin. 

At ganun nga ang ginawa ni Ms. Korina kaya naman, walang hindi makakapansin sa kanyang kakaibang hitsura ngayon.

Ayon pa kay Mrs. Roxas, pagdating sa Thermage, sa BMG lang sila nagtitiwala dahil dalawang beses na raw itong pinarangalan ng Black Diamond award na ibig sabihin ay No. 1 sila in Thermage nationwide. At meron na palang 13 branches ang BMG na only Filipino aesthetic clinic na accredited ng NABH International.

Jolo at Jodi kasal na?!

Kasal na ba sina Cavite Vice Gov. Jolo Revilla and Jodi Sta. Maria?

Asawa na ang tawag ng pulitiko sa aktres sa kanyang Instagram post kahapon. “Ang ganda talaga ng asawa ko! Happy 81st month sa ating dalawa!”

Marami tuloy ang nag-react, nagulat, at natuwa.

Proud na proud kasi ang aktor/pulitiko sa ganda ni Jodi at ‘yun nga, hindi siguro nakapagpigil kaya nag-post ito ng photo nito at sinabing gandang-ganda siya sa asawang aktres.

Well, congrats Jolo at Jodi kasal man kayo o hindi pa.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with