^

PSN Showbiz

Aktres may karelasyonG iba habang BF ang isang actor!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

May kuwentong natalisod ang aming source tungkol sa isang popular na female personality. Nu’ng mga panahon palang balot na balot sila ng problema ng kanyang karelasyon ay nagtangka siyang iwan ito.

Pero hindi natuloy ang kanyang plano. Kinausap siya ng isang male personality na nagpaliwanag sa kanya na kapag ginawa niya ‘yun ay siguradong isusumpa siya ng publiko.

“’Yun ang pinakahuling desisyon na hindi mo dapat gawin ngayon. Ano na lang ang mangyayari sa iyo, minsan ka nang nalagay sa ganu’ng sitwasyon, halos isumpa ka na ng publiko, buti nga at nakabawi ka pa?

“Kung iiwan mo ngayon si ____(pangalan ng karelasyon ng female personality), e, siguradong wala kang choice, history will repeat itself, sa kangkungan ka dadamputin,” payo ng male personality sa kanyang kaibigan.

Habang nagsasama pa sila ng male personality ay may ibang karelasyon ang babaeng personalidad. Pero sa biglang tingin, kapag pinanood mo siyang nagsasalita sa telebisyon, ay parang forever niya nang mamahalin ang aktor.

Ubos!

Female personality dinaig ang anak na millennial sa kakalandi sa non-showbiz BF

Kailangang balansehin ng isang magandang female personality ang kanyang buhay. Oo nga’t maligaya siya ngayon sa piling ng kanyang non-showbiz partner ay dapat din niyang bigyan nang sapat na panahon ang kanyang mga anak.

Maraming nagsasabing kapos na kapos siya ng panahon para sa mga ito, nakatutok lang ang kanyang atensiyon sa kanyang boyfriend, huwag na raw sanang hintayin pa ng female personality ang pag­rerebelde ng mga taong malapit sa kanyang puso.

Kuwento ng isang impormante, “Babad na babad siya sa boyfriend niya, kung saan-saan sila nagpupunta, kararating lang nila mula sa bakasyon sa ibang bansa, lalarga na naman uli sila!

“Ni hindi na niya nakikita ang mga anak niya, ano ba namang mag-bonding naman sila kahit paminsan-minsan lang, malaking kabawasan na ba ‘yun sa oras niya? Kailangan niyang i-balance ang time niya.

“Saka tama na ang sobrang PDA. Hindi na sila mga bagets, ‘no! Kung ang anak nga niyang millennial, e, hindi ganu’n sa boyfriend niya, siya pa ba naman ang gagawa ng ganu’n, e, pareho na lang silang thunders ng boyfriend niya?” komento ng aming source.

Ubos!

Nash hayup ang ipinakikita

Hayup ka, Nash Aguas! ‘Yun ang nag-iisa naming komento ng aming mga kaibigan nu’ng isang gabi nang tumutok ang kuwento ng The Good Son sa napakagaling na batang aktor.

Wala ka nang hahanapin pa sa napakahusay na pag-arte ni Nash, naghahalu-halo ang kanyang pawis, sipon at luha habang inililitanya niya sa isang psychiatrist ang kuwento kung paano niya nilason si Albert Martinez, ang kinagisnan niyang ama.

Ibang klase ang pag-atake ni Nash sa kanyang character bilang isang schizophrenic, bigay-todo ang kanyang pagganap, hindi mo siya hihiwalayan hanggang sa matapos ang kanyang eksena.

Tapos na ang pagdududa ngayon kung sino ang pumatay kay Albert. Lahat kasi ng mga karakter ay pinagsususpetsahang kriminal. Pero nu’n pa man ay marami nang nakakaalam na isa sa magkakapatid ang pumatay.

Hindi nagpapahuli ang acting ni Nash Aguas kay Joshua Garcia na kahit walang dialogue ay nakapagtatawid ng emosyon. Humahabol din ang galing ni Jerome Ponce at kahit may kabastusan ang kanyang papel ay pasable na rin ang pag-arte ni McCoy de Leon.

Wala nang duda sa galing ni Eula Valdez, kanya ang sentrong karakter ng serye, mas marami lang nakikisimpatya kay Mylene Dizon bilang mistress sa istorya.

Tatsulok ang serye ng ABS-CBN na humahawak sa leeg ng manonood. Ang inte­resante pa ring takbo ng Ang Probinsyano na hindi matibag-tibag ang napakataas na rating. Ang La Luna Sangre na isang linggo na lang ay magtatapos na pero hindi madaling kalimutan ang mahusay na pagganap nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.

Nasisilip namin paminsan-minsan ang Sana Dalawa Ang Puso nina Robin Padilla at Jodi Sta. Maria na napakaganda na ay napakahusay pang umarte. Ang hindi namin natututukan ay ang mga serye sa hapon na nakapanghihinayang dahil sagasa sa aming mga trabaho.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with