^

PSN Showbiz

‘Fbois’ gustong tularan ang kapalaran ng bagets

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon
�Fbois� gustong tularan ang kapalaran ng bagets

FBOIS

Hindi na gaanong matatandaan ng mga millennials ang 1984 youth-oriented hit movie ng Viva Films, ang Bagets na naging launching movie ng young and fresh talents noon na sina Wiliam Martinez, Herbert Bautista, J.C. Bonnin, Raymond Lauchengco, at Aga Muhlach. Ito’y mula sa panulat ng yumaong si Jake Tordesillas at ng yumao na ring filmmaker na si Maryo J. delos Reyes.

Hindi lamang nag-set ng trend nung 80’s ang Bagets kung hindi naging simula rin ito ng respective solo career ng bumubuo ng cast na kinabilangan din nina Eula Valdez, Jobelle Salvador, at Yayo Aguila.

Up to this day, ang salitang bagets ay tanggap pa rin maging ng millennials referring to “young”.

Ang upcoming youth-oriented movie ng Viva Films na Squad Goals #FBOIS na idinirek ni Mark Meily reminds us of the Bagets movie nung 80’s.

Ito’y tinatampukan ng young, upcoming talented boys na binubuo nina Julian Trono  (#flyboi), Vitto Marquez (#fitboi), Andrew Muhlach (#funnyboi), ang Fil-Australian na si Jack Reid (#fastboi) at ang Fil-German guy na si Dan Hushcka (#funkyboy).

Juday at Claudine movie tuloy na, Gladys sabit sa eksena!

Isang very reliable source ang nagbalita sa amin na balak umano ng Star Cinema na pagsamahin sa isang pelikula sina Judy Ann Santos, Claudine Barretto, at Gladys Reyes.

Kung tutuusin ang movie project na pagsasamahan nina Juday at Claudine ay nung taong 2015 pa lumutang pero mukhang matutuloy na ito this year at madadagdag sa cast ang co-star ni Juday nung 90’s sa Mara Clara, ang best friend at kumare niyang si Gladys Reyes.

Kung ito’y matutuloy, maganda itong pang-Mother’s Day presentation at magsisilbi itong movie comeback ni Claudine.

Siguro ngayon pa lamang ay kailangan nang magbawas ng kanyang timbang si Claudine para mapaghandaan ang napipintong  proyekto nila nina Juday at Gladys.

Richard nakabawi nang maging bampira

Very thankful ang Kapamilya actor na ngayong si Richard Gutierrez sa pamunuan ng ABS-CBN at bumubuo ng magtatapos na primetime TV series na La Luna Sangre dahil na-revive nito ang kanyang career na may kung ilang taon ding nagpahinga.

Main antagonist man ang ginampanan ni Ri­chard bilang si Gilbert Imperial, ang supremo ng mga bampira sa La Luna Sangre na pinagsamahan nila nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, lutang na lutang ang kanyang character maging ang pag-arte sa kauna-unahang role na ipinagkatiwala sa kanyang network. Sobrang nagmarka ang kanyang papel sa mga mano­nood at patuloy na sumusu­baybay sa serye hanggang sa pagtatapos nito sa susunod na Biyernes, March 2. Hindi rin lulutang ang mga character nina Kathryn as Malia at Daniel bilang si Tristan kung hindi rin dahil sa papel na ginagampanan ni Richard.

Samantala, timing ang nalalapit na pagtatapos ng La Luna Sangre dahil matututukan naman ni Richard ang nalalapit na panganganak  ng kani­lang 2nd baby ni Sarah Lahbati.

Kung excited ang engaged couple, ganundin kasabik ang kanilang panganay na si Zion dahil magiging kuya na siya at magkakaroon na ng kalaro.

Bukod sa nalalapit na panganganak ni Sarah, mahaharap na rin ni Richard ang shooting ng reunion movie nila ni Angel Locsin sa bakuran ng Star Cinema habang pinagpaplanuhan naman ng ABS-CBN ang next TV assignment ni Richard.

Robin ayaw makialam sa kasal nina Aljur at Kylie

Ayaw ipre-empt ni Robin Padilla ang petsa ng pagpapakasal ng engaged couple na sina Aljur Abrenica at Kylie Padilla dahil gusto niyang ang dalawa mismo ang  magsabi o magbalita nito.

Mahigit isang taon ding hindi kinibo ni Robin ang kanyang magiging manugang na si Aljur.

Kung hindi pa namanhikan last Saturday eve­ning si Aljur at ang kanyang pamilya sa tahanan ng mag-asawang Robin at Mariel Rodriguez kung saan naroon din ang ina ni Robin at lola ni Kylie na si Mommy Eva Cariño maging ang ina ni Da­niel Padilla na si Karla Estrada ay hindi pa siguro magkakabati hanggang ngayon sina Robin at Aljur.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with