Jessy at Luis

Jessy ipinakita na ang engagement ring na bigay ni Luis!
ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles (Pilipino Star Ngayon) - February 21, 2018 - 12:00am

Marami ang nagtatanu­ngan dahil sa napanood na video nina Luis Manzano at Jessy Mendiola kung engaged na ang da­lawa. Makikita rin sa Insta­gram (IG) account ng aktres na habang hawak ni Luis ang right hand ni Jessy ay may parang diamond ring ito.

Ang tingin ng netizens, diamond ring at engagement na ito. May kumontra nga lang dahil kung engagement ring daw ang suot ni Jessy, dapat ay sa left hand ito makikita.

May nag-comment pa na kung nag-propose na si Luis, tiyak na mababalita ‘yun.

Anyway, aliw ang last picture na ipinost si Jessy na nagma-macho dancing si Luis. In all fairness, marunong ng macho dancing si Luis kahit idinaan ito sa comedy. Parang noong Valentine’s Day lang kuha ang video sa Solaire Resort.

“Every day is Valentine’s Day with you, my love. Thank you for always making me happy. @luckymanzano (watch the last clip, you’ll understand why he always makes me happy.”

Kinakiligan din ng followers ni Jessy ang hirit ni Luis na “I love you howhow” na sinagot ni Jessy ng, “I love you too.”

AiAi, Lani, at Christian pasok sa show ni Regine

Kasunod ng pagsisimula ng nationwide audition ng The Clash, ang paglabas ng tsikang sina AiAi delas Alas, Christian Bautista, at Lani Misalucha ang judges sa bagong singing competition ng GMA 7.

Kung totoo, kapag nagsimula ang The Clash, magiging tatlo na ang regular shows ni AiAi dahil may Sunday PinaSaya pa siya at Sherlock Jr.

Samantala, magiging dalawa na ang restaurants nina AiAi dahil bukod sa Aisarap Express, malapit na ring magbukas ang Asian Fusion na nasa 4th floor ng Ayala Mall Clover Leaf sa Balintawak.

Italian BF ni Ina nagtayo ng glamping site sa Palawan

Naikuwento ni Ina Feleo sa presscon ng Hindi Ko Kayang Iwan Ka na nahirapan siya sa pictorial ng bagong Afternoon Prime ng GMA 7 dahil kaila­ngan niyang mag-project na mabait. Hindi kasi siya kontrabida rito, mabait ang role niya, eh nasanay siyang kontrabida na kahit sa pictorial pa lang ay fierce na agad ang dating.

Pati sa taping ay iniba niya ang atake sa role at karakter ni Sofia Angeles na mabait na ate ni Mike Tan. Noong nagti-taping na ay na-realize ni Ina na mahirap ang mabait na role sa gaya niyang nasanay na bilang kontrabida.

Mother nina Ina at Mike si Gina Alajar sa Afternoon Prime at natutuwa ang dalaga dahil madalas niyang kaeksena ang aktres. Marami raw siyang natututunan sa soap na magpa-pilot sa Monday, February 26.

Nasa bansa pala ang Italian boyfriend ni Ina na si Giacomo Gerva­sutti at magbubukas ng Glamping o Glamorous Camping sa San Vicente, Palawan with his partners.

Buy Bust ni Anne aariba sa Canada at US

Nabasa namin ang tweet ni Film Development Council of the Philippines (FDCP) Chair Liza Diño na “Philippines’ Buy Bust directed by Erik Matti will soon hit Canada and US screens. Congratulations direk.”

Si Anne Curtis ang female lead ng action film at kasama sa cast sina Brandon Vera, Victor Neri, Joross Gamboa, Mara Lopez, Noni Buencamino at marami pang iba.

“Zombie apocalypse without monsters” ang des­cription ni direk Erik sa pelikula.

Hindi pa rin pala ipinaalam kung kailan ang showing ng Buy Bust dito sa atin.

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with