Jessy at Luis

Luis at Jessy naghahanap na ng bansang pagkakasalan! ; Award ni Pia tinaasan ng kilay!
PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio (Pilipino Star Ngayon) - February 20, 2018 - 12:00am

Sumisikat na sexy actress pinipitik ang cellphone ng mga nakatsugian

 PIK: Maganda ang choices ng Philippine Movie Press Club sa kanilang pamamahagi ng parangal sa Star Awards for Movies na nasa ika-34th year.

Marami ang natuwa sa pagkapanalo ni Iza Calzado bilang Best Actress, kahit ang iba ay tumaas ang kilay sa pagkapanalo ni Raymond o RS Francisco bilang Best Actor.

Pero sa acceptance speech nito, may nakapansing umirap daw si Julia Barretto nang nagpa-cute si RS na sinabing crush niya si Joshua Garcia.

Pero pagdinig sa pagbigay ng acceptance speech, winner pa rin ang Best Supporting Actress Odette Khan na kung saan inialay niya ang award na iyun sa namayapang senador na si Miriam Defensor-Santiago.

May ilan ding nagtaas ng kilay nang mag-tie bilang Best New Movie Actress of the Year sina Pia Wurztbach at Joanna Ampil.

Hindi nga na-nominate si Pia sa nakaraang MMFF na kung saan doon naman nagwagi si Joanna.

Nagtaka rin ang ilan kung bakit nagwaging Movie of the Year ang Kita Kita gayung indie movie ito. Dapat sa indie movie na ito inihanay na kung saan ang Changing Partners naman ang nagwagi.

Pero hindi na bago yan sa Star Awards, kaya napapalagpas na.

Congratulations pa rin sa lahat na nagwagi.

PAK: Naloka kami sa naulinigan naming usap-usapan ng mga madadatung na millennial boys tungkol sa isang sexy actress na unti-unti na ngayon nakikilala dahil sa sexy films na nagawa niya.

Ang laki na nga raw nang ipinagbago ng fez nitong sexy actress dahil sa kanyang pagpaparetoke na lalo naman daw nitong ikinaganda.

Sabi ng isang conyo kid na may pagkatsismoso rin, sana nagbago na raw ito dahil nung nagsisimula pa lang itong mag-artista, kung saan-saan ito kumakalat para lang may mahagip na mayayamang boylet.

Kahit nga raw sa CR ng bar na tinatambayan, okay lang basta makahagip ng guwapo at madatung na boylet.

Hinding-hindi raw nila nakakalimutan ng isang kaibigan nung nakilala raw niya sa isang gimikan sa Cebu itong si sexy actress. Nagkaroon daw nang tsugihan nung gabing iyun, na kung saan nawalan naman ng cellphone si boylet.

Hindi naman daw niya pinagbibintangan si sexy actress na siya ang kumuha ng cellphone dahil hindi naman niya na-confirm. Pero iyun lang naman daw ang ginawa niya nung gabing iyun, tapos nawalan na siya ng cellphone. Kaya tuloy nagkaroon ng image noon itong si sexy actress sa grupo ng mga madadatung na kalalakihan na pumipitik ito ng cellphone.

BOOM: Totoo naman daw ang comment ni Luis Manzano na “Soon” sa post ni Jessy Mendiola na naka-bridal gown.

“Soon. ‘Yun naman talaga. Hindi ko naman nilalabo o tinatago under diffe­rent context. ‘Yun naman talaga.

“Nasa itinerary naman talaga yan kung nasa biyahe. Nasa plano naman talaga. Pinag-uusapan na,” seryosong pahayag ni Luis.

Kung siya ang tatanungin, handang-handa raw siya. Pero sinusunod lang daw niya ang timeline ni Jessy kung kailan na ito handa.

Isa raw sa napagkasunduan nila ni Jessy, destination wedding ito. Sa ibang bansa raw gagawin at naghahanap na sila ng perfect na lugar.

Kailangang puntahan daw muna nila ni Jessy na tipong mag-ocular bago sila mag-decide ng venue.

Basta abangan na lang daw dahil soon na nga raw ito.

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with