^

PSN Showbiz

Jackie Chan may bagong moves na ipakikita sa Bleeding Steel

Pilipino Star Ngayon
Jackie Chan may bagong moves na ipakikita  sa Bleeding Steel

MANILA, Philippines — Nagbabalik ang Martial Arts Superstar na si Ja­ckie Chan sa big screen para sa kanyang maak­syong sci-fi movie na Bleeding Steel na magbubukas na sa mga sinehan sa Pilipinas simula sa February 21.

Mula sa direksyon ni Leo Zhang, ang pelikula ay tungkol sa isang Special Agent na si Lin Dong (Chan) na nalagay sa isang alanganing sitwasyon kung saan kinailangan mamili sa pagitan ng kanyang pamilya o sinumpaang tungkulin. Nakatanggap siya ng tawag sa hospital kung saan kasalukuyang ginagamot ang kanyang anak na may Leukemia. Dahil sa kritikal na kondisyon ng anak, nagmadali siyang pumunta sa hospital. Ngunit isang tawag pa ang kanyang natanggap mula naman sa kanyang katrabaho para sa isang biglaan at delikadong misyon.

Ayon sa impormasyong ibinigay kay Lin, nanga­nganib ang buhay ni Dr. James, isang importanteng witness na nangangailangan ng proteksyon ng kapulisan. Ngunit bago pa man makarating ang mga pulis sa kinaroroonan ni Dr. James, nag-inject na siya ng isang chemical substance na nakatago sa isang mechanical heart.

Nang makarating ang mga pulis para ilipat siya sa mas ligtas na lugar, bigla naman silang sinugod ng mga armadong mga tao. Halos lahat ng miyembro ng team ni Lin ay namatay sa ambush.

Makalipas ang 13 taon, ano na kaya ang nangyari kina Agent Lin, sa kanyang anak, at sa misteryosong si Dr. James na maaaring maging susi sa isang advanced ngunit napakadelikadong teknolohiya?

Hitik sa aksyon at nakatatawang eksena ang Bleeding Steel, dalawang bagay na trademark ng isang Jackie Chan movie.   

Sa pelikula ring ito, pinagsama ni Chan ang kanyang mga kilalang martial arts moves at mga bagong fighting styles na swak sa isang sci-fi action film.

Ang buong pelikula ay shot on location sa Taipei, Beijing at Australia. Isa sa mga dapat abangan ay ang astig na fight scene ni Chan sa tuktok ng Sydney Opera House.

Ipalalabas na ang Bleeding Steel sa mga sinehan nationwide simula sa February 21. Mula sa VIVA International Pictures at MVP Entertainment.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with