Kris nagwala, nagbanta sa bintang na magnanakaw
ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles (Pilipino Star Ngayon) - February 14, 2018 - 12:00am

Walang balak si Kris Aquino na ka­suhan ang netizen na nag-akusang mayaman si Kris at ang mga Aquino, pero ninakaw lang daw ang pera.

“It is easy for those to say KASUHAN mo-do you even know the retainer of Atty. Sig Fortune & the hourly rate for the court appearances? Plus the court bond I have to pay? That money will be put to better use in doing good-by supporting Church charities i really believe in.”

Tama na kay Kris na in-expose niya ang netizen na nalaman niyang guma­ga­mit ng picture ng iba sa account nito sa social media. Sabi nga ni Kris, pagdating sa usapin ng pera, magre-react talaga siya. Nagpapagod nga naman siya sa trabaho para kumita para sa kanila ng mga anak na sina Josh at Bimby, tapos aakusahan lang na magnanakaw.

“’Pag tinawag na magnanakaw ang family mo kakayanin mong tumahimik? In my world when you keep quiet you give permission to further destroy you,” sagot ni Kris sa mga nagpayo naman sa kanyang ‘wag patulan ang basher/hater/troll.

Nang i-check ang IG account na nag-akusa kay Kris, iba na ang DP nito at hindi na ang photo ng blogger at model na si Jessica Ricks, boquet of red roses na ang makikita rito.

Sharon nakisakay na sa biro ni Gabby

Tuwang-tuwa ang fans nina Gabby Concepcion at Sharon Cuneta nang pabirong patulan ni Megastar ang viral meme na ipinost ng ex-husband sa Instagram (IG) nina Sunshine Dizon at Ryza Cenon bilang sina Emma at Georgia sa Ika-6 Na Utos na nag-aagawan kay Rome (Gabby).

Natawa na nga ang Sharon-Gabby fans sa caption ni Gabby at lalo pa silang natawa sa comment ni Sharon nang i-repost ito. Pabiro nitong sinabi na 1981 pa lang ay may Sharon-Gabby na at parang tinakot sina Emma at Georgia sa sinabing si April (karakter niya) ang tunay na nagmamay-ari kay Rome at nag-comment na, “E kung ibuhol ko ang hair niyo together?”

Ang April Mondragon ang ginagamit ni Sharon na pangalan sa private FB account niya. Ito rin ang pangalan niya sa first movie niyang Dear Heart at ipinalit niya sa Georgia Zaragoza.

Yasmien bibitbitin ng asawa sa Japan

Sa Japan magsi-celebrate ng Valentine’s Day sina Yasmien Kurdi at husband nitong si Rey Soldevilla, Jr. Today sila lilipad at hanggang Feb. 16 sila roon. Pilot ang husband ni Yasmien at may flight ito sa Japan today kaya isinama siya para mag-celebrate.

Excited si Yasmien sa biglaang trip niya at thankful na walang taping ng Hindi Ko Kayang Iwan Ka dahil marami silang pondong episodes. Saka, sa February 26 pa naman ang pilot ng advoca serye tungkol sa HIV at AIDS.

Naikuwento pala ni Yasmien na inimbitahan siya ng Philippine National Aids Council o PINAC na maging spokesperson at magsalita sa mga event nila. May billboard din siya for PINAC at natutuwa raw siya sa tiwalang ibinigay sa kanya.

Dagdag pa ni Yasmien, advance ang script na isina-submit kay direk Neal del Rosario dahil kailangan pang dumaan sa PINAC at kailangan ng approval.

 

Ruru at Maureen tuloy ang pagdi-date

Lalong gumuwapo si Ruru Madrid dahil nag-aaway ang fans nina Gabbi Garcia at ang model na si Maureen Wroblewitz dahil sa lead actor ng Sherlock, Jr. 

Binibiro si Ruru ng mga kaibigan na kasalanan din niya ang muling pagsambulat ng away ng fans nina Gabbi at Maureen dahil may bago silang picture ng modelo na magkasama. Ang tsika sa amin, nagkita ang dalawa at naisipang magpakuha ng picture.

Mabuti na lang at hindi nagpapaapekto si Ruru sa away ng fans.

Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with